Kabanata 04

781 32 4
                                    

Kabanata 04


Party





Kinalas niya ang yakap niya saakin pero ako ay hindi pari nagproprocess sa utak ko ang nangyari!




Niyakap niya ako? Niyakap ako ng crush ko?! Putangina? Totoo ba ‘to? Parang ang impossible! Parang kahapon lang pinagmamasdan ko sya sa malayo tapos ngayon kayakap ko na?






“S-Salamat…” mahina kong sabi.






“Oh! Picture!” biglang sabi ni Ree at nilabas ang iphone 12 pro max2 (pro max squared)






Nagpose ako ng nakaturo sakanya at sa susunod naman ay naka wacky at turo sa trophy namin.






“Pa air drop nalang.” Bulong ko kay Ree.






“I have practice pa.” malungkot kong sabi kay Rafa. Gusto ko pa sana sya kausap at makasama kaso may practice pa kami.






“It’s okay and besides I have also to do.” Sabi niya and he pinched my nose.






Katulad nang sinabi ni Rafa ay busy sya sa pag oorganize ng Victory night. Sina Ree at Nice naman ay umuwi muna para mag bihis.






Ako naman nandito sa Dance Studio at nagprapractice sa sayaw namin. Mabuti nalang maayos at maganda na. Sabay sabay kami at tapos na ‘rin mag polish!






“Good Job!” sabi ni Barbara.





“Nice!” sabi ko naman.





“Sige mag pahinga muna tayo tapos mag make up at bihis na.” Sabi naman ni Jean.






Nagpahinga muna ako sa gilid at uminom ng tubig. Binuksan ko ang instagram ko at nag IG Story.





Ina-IG story ko ang pictures namin ni Rafa, Ree, Nice at ang team mates ko. At pinost ko ang picture ko mag isa hawak ang trophy at medal ko.





@shan_mp3: hard works; paid off.



Comments:


@agreysillia_mp4: so proud!!!


@itsbella: well deserved!


@nice_jpg: Ka-TM, nag-expire na ang iyong GoSURF. Mag-register ulit sa GoSURF para tuluy-tuloy ang iyong pag-internet at iba pa! Para sa listahan ng mga GoSURF promo, i-text ang GS MORE. Para sa listahan ng mga freebie na kasama ng GoSURF, i-text ang GS FREE. I-send sa 8080.






Natawa ako sa comment ni Danice! Amp, parang tanga talaga.





Replied: @nice_jpg: gago! Pakyu ka!



Comments:


@rafaeljames: congrats, baby <3







Ilang minutes ko pa ito tinignan baka glitch lang ‘to or nag lag lang ang phone ko pero hindi! Gago! Taray marunong pala mag gamit ng emoji si Rafa?





Replied:
@shan_mp3: tnx para sa future naten hehe charot.






“Woy! Shan, bihis na kilig kilig ka pa ah!” sita saakin ni Jean kaya natawa ako.






Apat kami sasayaw ngayon dahil nga blackpink. Isasayaw namin ang 16 shots, Bitch better have my money at swalla ni Lisa.






Si Jum ay originally ang Lisa namin pero nag switch kami at sya ngayon si Rosé, si Barbara naman ay Jennie at si Ria naman si Ji Soo.



Baka Sakali // CompletedWhere stories live. Discover now