Kabanata 10

617 26 1
                                    

Kabanata 10

Fun



So I left the school with a heavy heart. Even, Mattheo gave me some few words it’s not enough to make me calm.


Umuwi ako ng bahay. Wala pa si Mama at Rebecca. Nakita ko si Papa sa tapat ng kwarto nila at may kausap sa telepono.


“Wala nga si Arra dito.” Rinig kong sabi niya.


Hindi niya siguro napansin na nakauwi na ako. Kaya sumilip ako at nakinig sa usapan niya.


“Ako nalang ang pupunta dyan? Ayaw mo ba dito?” muli niyang sabi.


Hindi ko alam kung sino kinakausap niya at hindi ko ‘rin nga naiintindihan ang pinaguusapan nila.


“Sige! Mag kita nalang tayo, Shaye…”


Shaye. That name is familiar. Ah, it was the name whom my father love so much. Mas lalo sumama ang loob ko at pumasok nalang sa kwarto ko. Magkikita na naman sila? That’s considered cheating! But, my mom, my so so marupok and martyr mom would eventually forgive my asshole father.


Rafael keeps on calling me pero hindi ko ito sinasagot. Nagtetext din sya saakin pero hindi ko ‘to binuksan at magreply. I just don’t feel talking to someone right now.


Sobrang insecure ako ngayon. Umiyak ako dahil sa frustration. Tinignan ko mukha ko sa salamin. I saw my reflection.


Ano nga ba ang meron sakanya na wala ako? Why do I feel so insecure?


Hindi ako kagandahan talaga. Hindi ‘rin matalino. Hindi maipagmalaki. Walang talento. Wala talaga. Kahit sumasayaw ako nakakaramdam parin ako ng insecurity at selos. Dahil hindi ako kasing galing ng iba, I feel like I’m a frustrated dancer. Sa pag kanta naman hindi ko alam.


I don’t know what to do anymore. Naligo na ako at nagbihis. Tinawag na ako ni Mama para kumain at expected wala si Papa. Baka pumunta na naman ‘to sa babae nya. Lagi naman eh, mas pipiliin niya iyon kaysa kami.


“Anak, mag iingat ka doon ah? Tawagan mo kami kapag nandun kana? Update din lagi saakin ah?” sabi ni Mama.


“Opo, Mama. Mag iingat din po kayo. Huwag po kayo masyado magbabad sa trabaho.” Sabi ko at tumango lang sya.


Nandito kami ngayon sa Airport hinatid ako ni Mama si Rebecca naman ay tulog na pagod daw. Ayos lang naman saakin. Pumasok na kami sa boarding area. Kasama namin ang Mommy ni Barbara. Bale lima kami. Isang maleta lang ang dala ko.



Kinuhanan ko ng picture ang sapatos ko at ina-IG story ko ito.


@shan_mp3: bye for now.


@agreysillia_mp4 replied to your story

Replied: size 7 lang po mamser



Natawa ako sa sinabi ni Desiree. Hindi ko muna sila kinakausap ngayon medyo wala ako sa sarili ko dahil nga sa nangyari. Inoff ko na ang phone ko at nakinig nalang ng music.



Pinikit ko muna ang mga mata ko habang naghihintay para tawagin kami. Inisip ko si Rafael. Baka nag aalala na iyon dahil hindi ko sya kinakausap. Tinawag na kami para pumasok na sa eroplano.



“Zean!” malakas na sigaw saakin. Napahinto ako papasok na sana ako pero may tumawag saakin. Lumingon ako at nakita ko so Rafael hinihingal.


“Zean!” sigaw nya ulit pero huli na dahil malalate na kami.


Imbes na puntahan ko sya ay pumasok na ako.



Baka Sakali // CompletedWhere stories live. Discover now