Kabanata 12

559 21 0
                                    

Kabanata 12

Problems



Bumuntong hininga ako at tinignan ang relo ko. 4am na niligpit ko nalang ang gamit na ginamit ko. Medyo inaantok na ako pero pagod ang mata ko dahil sa kakaiyak.





Matapos kong niligpit ang gamit nilagay ko na ito sa restaurant ni Tiya Felicity. Huminga ako ng malalim at umalis na umuwi na patungo sa bahay namin.



Tulog na lahat naligo na ako at nagbihis ng pantulog. In the end hindi ako makatulog dahil sa kakaiyak. Hindi ko alam sabi niya babalik sya nangako pa sya pero wala.



Siguro sumaya na sya doon kay Maureen kaya nakalimutan niyang may girlfriend syang nag antay. Pinunasan ko ang luha sa aking mga mata at pinilit nang matulog.



Nagising ako masakit ang mata bagkas ang pagkaiiyak ko kanina. Naligo na ako at nagbihis ng aking uniporme.




Bumaba na ako hindi na kumain. Ayoko kasi makita nila ganito itsura ko. May eye bags at mugto ang mata ko. Dali dali na ako lumabas ng bahay at sumakay ng jeep.





Dumating ako ng school sakto lang. Pagpasok ko ng room pansin ko ang paghinto nila sa pagpasok ko. Hindi ko na sila pinansin at umupo nalang.




Ramdam ko ang gustong pag usap saakin nina Desiree at Danice.



“Hayaan mo muna…” rinig kong sabi ni Ree.



Buong klase wala ako sa sarili. I mean lagi naman hindi ako nakikinig pero iba ngayon lumilipad ang isipan ko. Natapos ang klase dumeretsyo kami sa canteen.




Tahimik lang ako sumunod sakanila. Mainit ang pakiramdam ko ngayon sa tingin ko magkakalagnat yata ako ngayon eh.



“Shan, mainit ka ngayon!” sabi ni Danice.



“May lagnat ka? Ayos ka lang ba?” tanong naman ni Ree mabilis akong umiling at ngumiti.



“W-wala! Ayos lang ako.” Sabi ko at nagpatuloy mag sulat. Wala akong ganang kumain kaya gumawa nalang ako projects ko.



Malaya palang nakita ko na si Rafael kasama si Maureen. Sumimangot ako at nagmadaling umalis sa table namin.



“Una na ako ah? May gagawin lang ako. Bye!” sabi ko at umalis.



Ayoko syang makausap at makita. Kung sa tingin niyo mababaw ang dahilan ko pwes kayo kaya mag antay more than hours tapos wala naman kasiguraduhan na babalik sya.



Hindi man lang sya nag text o nagcall. Ganun ba talaga sya kabusy? Hospital utut mo.



Pumunta nalang ako sa library. Umupo ako doon at nag sulat ulit. Buti nalang dala ko ang cellphone ko at earphones ko.



Sa pinaka dulo ako ng shelves umupo para wala istorbo. Habang nag susulat ako nakita ko naman ang mga notifications sa phone ko. Puro kay Rafael, hindi ko na ito pinansin tuwing nag IIG ako naalala ko lang story ni Maureen at naiinis ako.



Pinilit ko mag focus sa ginagawa ko kahit wala naman talaga pumapasok sa utak ko. Tangina naman kasi ang bobo ko sa research hindi ko nga alam kung madadala ko ba ‘to hanggang college knowing na napaka makalimutin ko pa naman!



Sayang nga hindi ko dala ang laptop ko para matype ko nalang para isahan nalang makapagod kaya! At palapit na ang exams namin tapos christmas party na! Konti nalang matatapos na ‘to!




Baka Sakali // CompletedWhere stories live. Discover now