CH. 22: Meeting Again with Girlfriend

493 10 1
                                    

"Hoy tara na! May batok nanaman ako kay Fran---" hindi ko natuloy ang sasabihin ko nung nakita ko si Lorraine

"Nigel...." sabi ni Lorraine habang nakangiti ng pilit.

"Lorraine..." 

"Yes, It's me. Pwede ba tayong mag-usap." tiningan ko siya sa mga mata. Mukang napakalungkot niya. Parang gusto ko siyang yakapin at the same time naaawa ako sakanya.

"Sorry. Next time na lang baka hinihintay na kasi ako ng girlfriend ko." sabi ko tapos naglakad na ako paalis.

Hindi ko alam kung bakit ko siya tinanggihan. Oo, siguro tinatamaan pa rin ang pride ko dahil pinagpalit niya ako sa ibang lalaki. Alam ko tama yung ginawa niya na nakipagbreak muna siya sa akin bago niya sagutin si Marco kaya naman hindi ako galit kay Lorraine. Baka lang siguro natatakot ako na kapag nag-usap kami, bumalik yung nararamdaman ko sakanya. Hindi siya ang first love ko. Pero  minahal ko siya ng todo. Masakit sa akin yung ginawa niya. Hindi ko alam kung saan ako nagkulang kaya hindi ko rin siya masisi

Imbis na dumiretso ako dun sa tambayan namin. Pumunta ako dun sa bleachers sa may field. Walang tao. Sakto. Umupo ako. Gusto ko sanang mag-isip pero hindi ko alam ang iisipin ko.

Erinn :)

"Ang tagal naman nila?" sabi ni Lianne habang nagtetext.

"Ayan na si Miko oh!" sabi naman ni Bims tapos tinuro si Miko habang naglalakad. Oh my! may kasama siya babae! Wag mo sabihin si Daniella yun sasapakin ko siya kapag nagkataon! Hindi naman namin friend yun tsaka hello! Andito best friend ko?! Ano siya walking anesthesia?!

Ready to fight na sana ako kaso biglang nagtitili tili si Bims.

"Kyaaaaaaa! Lorraine? Ikaw ba yan? OMG! Buti naman at napasyal ka dito. Namiss kita!" sabi ni Bims habang yakap yakap yung babae.

"Hanky girl? Uhm, Erinn?"

Tinitigan ko siyang mabuti. Siya nga yung babae sa mall nung nagdate kami ni Nigel. Yung umiiyak na binigyan ko ng panyo.

"U-uh Hello!" sabi ko na lang tapos nginitian ko siya.

"Magkakilala kayo?" Bims,Miko and Lianne said in chorus.

"Uhm, I think yes." sabi ni Lorraine tapos ngumiti siya. Ang ganda niya talaga.

"Ow, By the way Lorraine this is Lianne best friend ko at ni Erinn" pagpapakilala ni Bims kay Lianne.

"Best friend ko din yan" singit naman ni Miko.

"Hi Lianne. Nice to meet you!" inabot ni Lorraine yung kamay niya kay Bes. Agad naman tinanggap ni Bes yun.

"Teka Miko. Asan pala si Nigel?" tanong ko. Bigla naman nagtinginan sa akin yung tatlo. Si Bims, Miko pati si Lorraine.

May sinabi ba akong mali? Hinahanap ko lang naman si Nigel. Makatingin sila sa akin parang pumatay ako ng tao.

"Nandito ako." napalingon kaming lahat dun sa nagsalita. Nakangiti siya tapos kumaway then umupo dun sa tabi ni Lianne.

Bakit parang may mali? Una, yung ngiti ni Nigel hindi totoo halatang pilit lang. Second, bakit siya kay Lianne tumabi? Lagi kaya siyang nakabuntot sa akin. Oy wag kayong mag-isip ng kung ano! Nakakapagtaka lang kasi!  Ayoko talaga siyang katabi! maniwala kayo!

At last, parang kakaiba yung atmosphere, alam nyo yun?? Parang biglang tumahimik? AWKWARD ganun.

"So, Nigel napuntahan mo na ba yung girlfriend mo?" biglang tanong ni Lorraine ng mahina tapos yumuko siya.

Teka! teka! Ano daw? Girlfriend ba yung sabi niya? Close ba sila? Hindi naman sinabi ni Nigel na kilala niya si Lorraine alam ko nakita niya rin to sa mall. Papakilala ko pa nga dapat. At isa pa, NILILIGAWAN ako ni Nigel tapos girlfriend?! Niloloko niya ba ako?!

"Uhm, Yes here she is."

"Ayan si Erinn yung girlfriend niya." sabay na sabay nila na sabi ni Miko.

Uhrrr--- O___O Nanlaki talaga yung mata ko kasi si Lianne yung akbay akbay ni Nigel pero ako yung turo turo ni Miko. Pinagloloko ba kami ng dalawang lalaki na to.

Tiningnan ko yung reaksyon nung dalawa ?__? si Bims. Si Lorraine nakapoker face lang.

"Ehehehe! Wag kang maniwala Lorraine!." sabi ni Lianne

Hay salamat. Magpapaliwanag si Bes! ang galing talaga! Go bes! Go bes! Ayoko magsalita. May nararamdaman kasi akong awkwardness hindi ko alam kung bakit.

"SI ERINN TALAGA ANG GIRLFRIEND NI NIGEL" sabi niya tapos tinanggal niya yung pagkakaakbay ni Nigel sa kanya.

"Oo nga Lorraine, Si Erinn talaga. For sure, tinitingan lang ni Nigel magiging reaction ng girlfriend niya."

Lianne! Akala ko best friend kita. Ano bang pinagsasabi ng mga to!?

"Ah--Kasi Lorraine---Ano---" magpapaliwanag sana ako kaso bigla tumayo si Nigel lumapit siya sa akin at hinila ako patayo.

"Oh, Sige punta muna kami sa student council office ng girlfriend-slash-secretary ko. Iwan muna namin kayo." yun lang yung sinabi niya tapos hinila niya na ako palayo sa kanila

TBC

A/N:

Ano daw? Hohohoho! Wala lang natuwa lang kasi ako ngayong araw. Pasensya na kung matagal akong mag-update. Marami kasi akong ginagawa. Siguro kapag nagawa na yung laptop ko. Madalas ng may update dito.

Lolololo! Napansin nyo may POV si Nigel?!!! Kyaaaaa!

vote and be a fan!

Gusto ko ng maraming comment!

-Lej

Sungit Meets Kulit (Patiently Waiting)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon