CH 5 : All about HIM ...

803 19 12
                                    

Erinn :)

"Sorry..."  halos sabay na pagkakasabi namin ni Nigel. Nandito na ulit kasi ako sa tabi niya. Mag-uumpisa na kasi yung orientation kaya nandito na ako.

Yumuko na lang ako kasi nahihiya ako sa kanya. Tama si Lianne. Ako nga ang mali. Siguro time na para makilala ko si Nigel para makipagkaibigan rin ako sa ibang lalaki.

"Sorry. Joke lang naman yun eh. Di ko talaga alam."

"Nope. Ako ang dapat mag sorry kasi ako yung mali. Masyado siguro akong naging OA sa part na yun. Naging sensitive lang siguro ako."

"SORRY talaga. Tama ka di naman tayo ganun ka close kaya wala akong alam sayo. Mali talaga ako dun sa sinabi ko."

"Hayaan mo na nga yun. Pareho lang tayong may pagkakamali."

"SORRY talaga." sabi niya ulit. Natatawa ako sakanya kasi mukang guilty ang mokong.

"Subukan natin maging magkaibigan Nigel. Malay mo mas makilala natin ang isa't isa para maiwasan yung ganitong sitwasyon lalo na at seatmate tayo." sabi ko naman.

"FRIENDS?" sabi naman niya sabay abot sa akin nung kamay niya.

"FRIENDS" inabot ko naman yun at nakipaghakehands sakanya.

"Ayaw mo ng BOYFRIEND?" hirit pa niya habang nakangiti. 

"Ewan ko sayo puro ka kalokohan." sabi ko.

***************************

Nakakatuwa yung orientation. Hindi kasi siya nakakantok o nakakaboring. Nakakagana kasi yung mga activities at nakakatawa pa yung MC. Malalaman mo pa talaga dito kung ano yung mga hilig mo at kung ano ang nababagay na career sayo sa future tapos kakulit pa niyong katabi ko.

Medyo madami dami na rin yung mga nagawa naming individual activities tsaka mukang halos lahat naman kasama yung ibang school ha? nagpaparticipate at nag-eenjoy.

"OK! Ang susunod natin na activity ay ang YOUR POSSIBLE CAREER. Magiging by partner ang activity na ito.Choose your own partner." sabi nung MC

Lumingon naman ako kay Bims na katabi ko aayain ko sana siya maging partner kaso mawawalan ng partner si Liaane. Mukhang napag usapan na nila na sila ang partner eh. Kawawa naman ako. Inabanduna ako ng bespren ko T__T .

"ERINN?" kinakalabit ako nung katabi ko sa kabila.

"BAKIT CIEL? " sabi ko naman na nakangiti tinawag niya akong Erinn .

"Wag mo kong tawagin sa 2nd name ko. Nigel na lang. Tara! Partner tayo." sabi niya mukang naiirita siya sa pag tawag ko ng Nigel. Hahaha! tagumpay!

"OK. CIEL, basta umayos ka ha? kundi lagot ka sa akin."

"Psh! Oo naman ?!  Ako pa!"

"May mga partner na ba kayo?" sabi nung MC "OPO." naman namin ng mga students.

"I will explain the mechanics of activities.So listen guys.Aalamin niyo kung ano yung mga activites o hilig ng mga partner niyo. Kung ano yung mga ginagawa niyang activities sa loob at labas ng bahay. Magtatanungan kayo tapos yung partner niyo ang magdedecide kung ano yung pwede niyong possible careers pero kelangan nakabatay yun sa mga nailista niyo about dun sa tinanong niyo. Salitan to. Kaya kelangan bilisan niyo kasi 30 minutes lang ang time. Kayo bahalang dumiskarte. Bale dalawang kopya ang gagawin niyo para sa possible career isa sa amin at isa dun sa partner. OK? Time starts now." paliwanag nung MC

Sungit Meets Kulit (Patiently Waiting)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon