CH. 13 : Call

677 16 2
                                    

Erinn :)

♫♪ Saying I love you , Is not the words

I want to hear from you...It's not that I want you ... Not to say... But if you only knew

How easy... It would be to ...Show me how you feel

More than words... Is all you have to do... To make it real ...

Then you wouldn't...Have to say That you love me .. Cos I'd already know

Oo na ! ako na LSS ! Nakakasar naman kasi yun! Di naman ako kinikilig eh! Syempre kakaiba lang sa akin nun dahil first time na may gumawa ng ganun sa akin sa harap ng maraming tao. Masama bang ulit ulitin yung kanta dahil maganda? hindi naman di ba?

"Hoy! Parang mula kaninang umaga mo pa kinakanta yan ah." sabi ni Lianne na nakaupo sa sofa namin. Nag momovie marathon kasi kami.

"Di naman bes OA mo naman. Maganda lang talaga yung kanta."


"Maganda dahil sa lyrics? o maganda dahil si kinanta ni Nigel para sayo?"


"Ewan ko sayo! Asan na ba si Bims. Mag 2:00 na wala pa rin?" pag-iiba ko ng usapan.

*tok.tok*

Biglang bumukas yung pinto pagkatapos nung katok tapos niluwa yung pinsan kong si Kevin kasunod si Bims.

"Surprise Rinn!"

"Bakit kayo magkasama?" sabay na tanong namin ni Lianne.

"Ikaw bakit ka nandito ha? " tanong ko naman kay Kevin na ngiting ngiti.

Pinsan ko si Kevin sa father side. Close kami pero madalas din kaming hindi magkasundo. Ang gulo di ba? Magkaedad kami nyan. Sa MSU sya nag-aaral sa dati kong school. Nauutusan ko yan na magbitbit ng gamit ko noon sa school. Nag-aaway lang kami kapag nag-umpisa na siyang mangulit tsaka mang asar. Maharot kasi yan pero pinagtatanggol nya naman ako dati pag napapaaway ako kahit kaya ko naman ang sarili ko.

"Ikaw naman Rinn namiss lang naman kita. Naglakad pa ako mula kabilang subdivison papunta dito! Nakasalubong ko lang tong friend nyong si Bims sa gate nyo."

"Kabilang subdivision ka dyan! sa pangatlong street lang bahay nyo noh! Kala mo naman sobrang layo nun!" bara naman ni Lianne kay Kevin na nagrereklamo.

"Galing nga ako sa kabilang subdivision naglaro kami ng mga barkada ko ng basketball dun."


"Watever! Bims layo ka sa pinsan na yan ni Erinn malakas makahawa yan." pang aasar nanaman ni Lianne habang natatawa.

Sungit Meets Kulit (Patiently Waiting)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon