CH. 1: New Life ..

1.6K 33 10
                                    

LAB PARTNER

__________________________________

Papasok na ako sa New School ko. Lumipat kasi kami ng bestfriend ko na si Lianne sa dahil trip naming makaexperience ng new life mula nung elementary hanggang highschool kasi iisang school lang yung pinag aaralan namin. Kaya eto na this is the big day. Buti na lang kapitbahay ko siya kaya wala kaming problema. Mahal na mahal ko yung bestfriend ko na yun partners in crime kami kumbaga. By the way sa  Jude Madrigal High School kami lilipat.

"Bes! Lika na! Dali ! First day natin bawal tayong malate!"

"Hahah! Eto na wag ka ngang excited parang ngayon ka lang makakita ng tao ah"

"Eh syempre biruin mo mula kinder tayo hanggang 3rd year highschool nakakulong tayo sa MSU "

"Oo na! Pasok na tayo. Hindi naman tayo malalate kasi maaga pa."

Naglakad na kami palabas ng village namin pwede naman na lakarin yung new school namin per pwede din mag tricycle at dahil tamad kami sasakay kami syempre. 

Mga 5 minutes lang nasa school na kami. Oh di ba ang bilis. Wala naman na kaming problema kasi nga maaga pa. Hahanapin na lang namin yung adviser namin para ipass tong tranferee slip. Sasabay na lang kami sa kanya pumasok room. Kaya naglakad na kami ni Lianne papunta sa faculty ng mga teachers.

"Goodmorning po. Pwede po magtanong." tanong ko dun sa mukang student teacher na kalalabas lang ng faculty room.

"Of Course. Ano yun?" nakangiting sagot niya sa amin.

"Nandun po ba sa loob ng faculty si Miss Gonzales?"

"Ako yun eh. Anong maipaglilingkod ko sainyo?"

"Kami po kasi yung mga bagong transferee. Eto po yung transferee slip namin. Sa section niyo po kami napunta" sabay abot ko nung slip sakanya.

"Akala ko hindi na kayo dadating eh. Tara na sa room niyo. Welcome to Jude Madrigal High School" sabi niya sa amin ni Lianne.

"Salamat po." sabay na sagot namin sa kanya tapos sumunod na kami sa kanya.

Room 344

Madami ng estudyante. Mukang magkakakilala naman na silang lahat kasi maiingay sila at may magkakatabi na sa upuan. Bigla silang tumahimik nung pumasok si Miss Gonzales at nagbalikan na sila sa mga upuan nila. Kami naman ni Lianne nahinto lang dun sa may pinto nakakahiya kasi.

"Goodmorning 4-1J " 

"Goodmorning ma'am"

"By the way we have new students here at dahil mukang magkakakilala naman kayong lahat dahil magkakaklase din kayo last year. " tapos tumingin siya sa amin "Please Introduce yourselves ladies"

Pumasok na kami ni Lianne dun sa room tapos una siyang nagpakilala.

"Goodmorning! I'm Lianne Irish Bayne. 16 y/o. From MSU. Sana maging kaibigan ko kayong lahat. yun lang. Salamat." tapos nagpalakpakan yung mga estudyante. 

"Hello! I'm Frances Erinn L. Franco. Like my best friend i'm  from MSU. Gusto ko din kayong maging kaibigan lahat. Nice mee--" bigla akong nahinto dun sa sinasabi ko. Kasi may sumigaw.

"SINGLE KA?" sabi nung lalaki dun sa pangatlong row sa likod. Tapos nagtawanan yung mga lalaki.

Anong trip nito. "YES" sagot ko.

"NICE. " ngiting ngiting sabi niya.

"but WAITING. By the way nice meeting you all" dugtong ko tapos ngumiti ulit. Nagpalapakan din naman sila dun sa sinabi ko.

"Ok, You may take your seat Miss Bayne and Miss Franco there beside Mr. Aguilar" tumingin ako dun sa bakanteng upuan nung nagtanong sa akin kung single ako. Nakangiti pa rin siya.

"Bes! Dun ako ah. Ayoko dun sa gitna alam mo naman na malikot ako" sabi sa akin ni Lianne.

"Hala bes! Ikaw na lang dun. Ayokong katabi yung lalaki" bulong ko.

"Unahan na lang tayo." tapos naglakad na siya ng mabilis papunta dun sa upuan.

Wala akong choice kundi umupo dun sa tabi nung lalaking monggoloid na ngiti ng ngiti. Maya maya nagstart na ang klase namin. Nagpapaliwanag lang naman si ma'am Gonzales sa harap ng mga rules tapos kinakalabit na ako nung katabi ko.

*kulbit.kulbit* Nilingon ko siya tapos nagbigay ako ng "why" look.

Ngumiti siya. " Hello! Nigel Ciel Aguilar is my name." sabi niya.  Tiningnan ko lang siya tapos nakinig na ulit ako. Hindi naman sa pagiging masungit. Gusto ko lang magconcentrate kasi nga first day namin ni Lianne dito.

"Frances. Nice name ha? Sa MSU ka nag aaral dati. Bakit ka lumipat?" tanong nung katabi ko sa akin.

"Don't call me Frances. Erinn yun ang itawag mo sa akin" bulong ko. Nakakirita na tong lalaking to. Kanina pa siya daldal ng daldal.

"Mas maganda nga yung Frances eh. Cool. " sagot naman niya.

Tiningnan ko lang siya tapos nakinig na ako ulit. Maya maya kung ano ano na ang tinatanong niya. Hindi ko siya sinasagot napakakulit kasi. Nasa pangalawang subject na kami at 30 minutes na lang makakaalis na ako sa tabi ng kumag na to.

* Save By The Bell * yoohooo. Break time na. Wala ng magtatanong ng magtatanong.

"Hi Lianne! I'm Nigel Ciel Aguilar. I want to be your friend. Friend na din kami ng bestfriend mo." kamote n

"Hello! Nice to meet you!" ngiting sabi naman ni Lianne. Hala.  Kamote naman oh . Kelan ko pa naging kaibigan tong monggoloid na to. Ito naman si bes paniwalang paniwala.

"Sabay ako sainyo magbreak time Lianne ha?" sabi pa nung Nigel na yun.

"Sure. Para naman di lang kaming dalawa ni Erinn"

"Lianne!!" sabi ko tapos nilakihan ko siya ng mata.

"O tara na. Maya maya madami ng tao sa cafeteria eh. Para makilala din kayo ng ibang friends ko." sabi niya. Nakakairita talaga to. Wala naman akong choice hindi ko naman kasi pwedeng iwan si Lianne.

________________________________

* Afternoon.

H.E Class

"OK. Class magkakaroon tayo ng bunutan para sa Laboratory niyo. Ibig sabihin sa practical niyo ng cooking ay by partner. Sila yung magiging partner niyo sa isang buong taon. Kaya kailangan maging effective ang partnership niyo sa mga activities" sabi ni ma'am del Rosario

Umiikot yung bunutan tapos kumukuha na isa isa. Si Lianne may kapartner na nauna kasi siyang bumunot. Bumunot na din ako. Binuksan ko agad yung papel number 16 yung nakalagay.

"Bes! Anong number mo? Kilala mo na yung partner mo?"

"16 bes. Hindi pa. Di pa ako nagtatanong eh." sabi ko.

" Uy? 16 ka? Hahah! Ang galing partner tayo. Yess!" singit nung lalaki sa usapan namin ni Lianne. Paglingon ko dun sa nagsasalita. Anak ng tinapakan. Syete talaga! Bakit siya pa? 

"Frances? partner tayo ha? hooo .. yes! May lab partner na ako." sigaw niya nagtinginan yung mga classmate namin. "Si Frances lab partner ko." dagdag pa niya. Napayuko na lang ako. Parang biglag sumakit yung ulo ko.

TBC

Trip ko lang gawin to. Sana suportahan niyo.  Picture ni Erinn sa side ------>

comment and vote !

-LEJ :) ♥

Sungit Meets Kulit (Patiently Waiting)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon