CH. 9 : MAD

719 21 5
                                    

 To all Readers : 

Hello! Pinalitan ko yung title ng story na ito. Sa kadahilanan na trip ko. Hehehe. Wala lang.

So ang title na nito ngayon ay SUNGIT meets KULIT (Patiently Waiting) hindi ko pa rin inalis yung patiently waiting nagdagdag lang ako kumbaga. Ganun pa rin ang takbo ng kwento sana suportahan niyo pa din .. Salamat!

Enjoy reading!

Erinn :\



Pinalaki ako ng mga magulang ko na mabait na bata pero pinipilit akong nung lalaki na yun na maging masama. Leshe talaga! Yung first kiss ko? Yung first kiss ko? First ko yun tapos bigla na lang niyang nanakawin. Gago lang talaga! Sana pala tinuloy ko na yung pagpapalunod ko kahapon para makonsensya yung bwisit na yun. Di ko talaga siya mapapatawad.

"Erinn?"

 

 

"Bakit ba?" sabi ko habang nakatalukbong magse 7AM na. Hindi pa rin ako bumabangon. Nandito si Lianne sinusundo ata ako.

"Hindi ka ba papasok ngayon?" tanong niya

"ayoko masama pakiramdam ko."

"Ay? Sayang nakabihis na ako. Hindi na rin ako papasok." tapos bigla siyang dumamba dun sa kama ko at dinaganan ako.

"ANO?! Bakit di ka naman papasok ha?" tanong ko sakanya.

"Eh kasi di ka papasok eh. Wala akong bes na makakausap."

 

 

"Pumasok ka na. Alis na. Malelate ka na oh." sabi ko sabay turo dun sa wall clock.

"EEEHHH! Yoko.  Hahah! Lagot ka kay kuya. B.I ka. "

 

 

"Di ako bad influence ha? Ikaw tong ayaw pumasok eh!" sabi ko sa kanya.

"Ikaw nga dyan eh. Sakit sakitan ka." sabay hawak sa noo ko "Wala ka namang lagnat ah! Lika na pasok tayo!"

 

---------------------------------------

Sungit Meets Kulit (Patiently Waiting)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon