CH. 4 : At First Sight

847 23 3
                                    

 Erinn :)

Wohooo ! Ang saya naman oh ! May Career Orientation kami ngayon mga 4th year lang. Ibig sabihin suspended ang klase. Hahaha!  Naglalakad na kami ni Lianne at Bims papuntang Auditorium. Grabe! ang init ha? Ang daming estudyante. Dito din kasi mga taga ibang school malaki yung auditorium kaya  dito ginanap yung orientation para makapag participate din daw ibang schools may mga gagawin daw kasi na activities para sumaya.

"Hala bilisan niyo maglakad baka maubusan tayo ng magandang upuan." sabi ni Lianne na nauuna.

"Hindi yun sigurado.  Maglalagay naman siguro sila ng mga schools at section para sa mga seats." sagot naman sakanya ni Bims na pacool lang.

" Paano tayo makakasok niyan. Daming tao oh!  Baka magkaroon ng stampede " sabi ko naman kasi ang daming estudyante dun sa may entrance para silang mga langgam.

*******************************

Sa Loob ng AUDITORIUM

Nakaupo na kami. Ang pwesto ng upuan namin si Lianne,  si Bimssa gitna tapos ako. may isa pang bakate na upuan sa tabi ko sabi ni Bims wag ko daw papaupuan.

"Frances. Salamat sa pagreserved ha?" napalingon ako dun sa nagsalita. Si kumag pala.

"Huh? Si Monica  ata dyan eh.  Wag ka ngang umupo dyan. Alis! shoo ! shoo!" sabi ko.

Hindi naman siya tuminag. Ngumiti nanaman ng nakakaloko. "Oi boks! Di ba dito ako sa upuan na toh?" sabi niya kay Bims na nasa tabi ko. na busy sa pakikipagkwentuhan kay Lianne.

"Oo! Wag ka ng maingay dyan!" sagot naman ni Bims. na busy sa pag daldal

"See? Sabi ko sayo eh. Salamat huh?"

Inirapan ko lang siya. Kapag nakikita ko pa naman siya naaalala ko yung mga sinabi ni Bims. Kaya nga gusto ko na siyang maka close eh. Kaso galing niya mangbwisit kaya wag na lang.

FLASHBACK (KWENTO NI BIMS)

"Oo. Sabi niya sa akin crush ka daw niya. Ganun naman talaga yun. Mabait naman talaga si Nigel eh may pagkamakulit nga lang."

"Sabi mo na heart broken siya? Anong nangyari?"

"Hindi ko rin talaga alam eh. Basta one day biglang tumahimik na lang. syempre nagtaka kami kasi hindi naman siya ganun. Nalaman na lang namin na nag transfer na sa ibang school si Lorraine."

"Sino naman si Lorraine?  Talaga? yung maingay na Nigel once in this lifetime nanahimik"

"Yup.Isa ngang himala yun kaya nakakapagtaka. Si Lorraine, yung first girlfriend niya. Matagal sila nun mga 2 years na tapos nung 3rd year nga kami bigla na lang umalis tapos sabi ni Nigel break na daw sila tinatanong namin kung bakit ayaw naman niyang sabihin. Sobrang nakakawa talaga yung bestfriend ko nun. Napaka miserable niya. Para bang tumigil yung mundo niya. Ni hindi niya na nga kami pinapansin nun. Pero good thing medyo bumabalik na siya ng konti sa dating siya."

 "Konti lang? Bakit konti lang? Mukhang okay naman siya eh." sabi ko pagkatapos magkwento ni Bims.

"Alam mo Erinn hindi dahil mukhang okay ang isang tao okay na talaga siya. Para lang yang pag aalok ng pagkain ng isang tao sayo, tatanggi ka kahit nagugutom ka na kasi nga nahihiya ka di ba? Ganun lang din yun ipapakita niya na okay lang siya para hindi mag alala yung mga taong nakapaligid sa kanya. Na para bang naka move on  na siya pero hindi naman talaga."

Sungit Meets Kulit (Patiently Waiting)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon