CH. 11 : Partners in Crime ..

669 20 9
                                    

Erinn :)

Ang saya ng buhay na ganito. Haha! May personal slave ka nga may body guard ka pa ! Oha! Inggit ba kayo? Halos isang linggo na mula nung julalay ko tong si Nigel isang linggo na lang rin matatapos na. Yes! start na nga pala namin ngayon ng baking class sa H.E. Tapos na kasi sa paggawa ng main dish kaya dessert na ang mga gagawin namin.

"Mahal!" sabay sundot sa may tagiliran ko.

"Eto gusto mo?"  sabay pakita ko kay Nigel ng kamao ko.

"Ikaw naman! Wag ka ngang nagagalit sa akin. May surprise ako sayo" tinaasan ko lang siya ng kilay.. "Tadaaaa! Nakuha ko na yung mga ingridients para mamaya sa baking class."

"Dapat lang ! Syempre inutos ko sayo yan. Ano kasurprise surprise dyan ha?"

"Hooo! Sunget!"

"Away nanaman kayo dyan. Di na kayo nagsawa."  sabi ni Bims na kadadaan lang.

Maloko din yang si Bims. Halos isang linggo ding hindi nagpapakita at sumasama sa amin.

Ang dahilan niya may inaayos lang daw siya.

"Hindi kami nag-aaway bok! Lambingan namin to!" sabay akbay sa akin. "di ba? MAHAL?"

Tinanggal ko namna yung pagkakaakbay niya. "Mahal your Face! Kunin mo yung gamit ko tapos lagay mo sa locker! " ibinato ko naman sakanya yung susi ng locker ko.

"Erinn! Tara hanapin natin si Lianne. Malapit na matapos yung break time wala pa sila ni Miko." aya ni Bims sa akin. Lumapit naman agad ako sakanya at sumama palabas.

***********

"San ba sila kumain?" tanong ko.

"Ewan ba? Hinila lang siya ni Miko kanina. Mapektusan nga si Miko ng isa mamaya. B.I masyado!"  sagot ni Bims habang nangingiti.

"Hahahah! Teka nga! Pasok muna tayo sa ladies. Kelangan ko gumamit." hila ko sakanya. Ang bilis bilis nya kasing maglakad. Nasa tapat lang namin yung ladies room kaya mabilis kaming nakapasok.

"Bes?" sabi ko kay Lianne na nakatalikod tapos nakayuko habang nakapatong yung kamay dun sa may sink.

"Nandito pala kayo." ngiti nya sa amin ni Lianne. Isang pilit na ngiti.

"Ok ka lang ba? " -Bims tumango lang siya. Sa ganitong pagkakataon alam kung hindi siya ok. Para na nga kaming magkapatid di ba? Syempre alam ko kung may tinatago siya o wala.

"Halika nga." sabay hila ko sakanya. Si Bims naman nakasunod sa amin.

Dinala ko siya sa may science park ng school. Dun kasi madalas kaming tumambay ni Nigel nung mga nakaraang araw kapag tinutulungan nya ako sa newspaper ng school. Walang madalas na tao dito kahit dumadaan.

"Bakit ba? Umiyak ka na." panimula ko kay Lianne nung nakaupo na kami habang nakayuko siya.

"Bes. 5 minutes na lang malelate na tayo. Lika na." sabay tayo nya. Halatang umiiwas siyang pag-uusapan.

Hinila ko ulit sya paupo. "Bims, masakit ulo ko? Ikaw ba?"

"Masakit kamay ko. Di ko ata kayang magsulat. Wag na tayong pumasok."

"oo nga! After nito tara sa clinic." kindat ko sakanya tapos nag highfive kami.  "Bes? Di mo ba kami sasamahan may sakit kami oh?" 

Sungit Meets Kulit (Patiently Waiting)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon