Chapter 23 Girlfriend

492 11 0
                                    

Erinn :)

"Oi Nigel! saan ba kasi tayo pupunta?" tanong ko habang naglalakad kami. No. kinakaladkad nya pala ako.

"Oi ano ba? sandali nga!" sigaw ko sakanya.

Sa totoo lang naiinis ako sakanya. Ano bang pumasok sa isip nya at sinabi nya dun ka Lorraine na ako ang girlfriend nya.Dumadagdag pa sa inis ko na hindi sya nagpapaliwanag. tuloy tuloy lang siya sa pagkaladkad sa akin.

"akyat ka muna." sabi nya sa akin. ngayon ko lang nakita na nasa bleachers kami sa tapat ng field.

" no. aalis na ako. may klase pa tayo. kung magkacut ka ng class pwes ako hindi."

" umakyat ka na lang please?" sabi niya ng mahina habang nakayuko.

Mukang may problema tong lalaki na to. kung makikita nyo siya ngayon hindi siya si Nigel na hyper, sobrang kukit at palagi akong inaasar. Kaya naman kahit ayokong umabsent sa klase namin ngayon umakyat na ako sa bleachers. Mamaya magsuicide tong lalaki na to

edi konsyensa ko pa.

"sorry." sabi nya nung nakaupo na kami sa pinakataas. Nakaharap kami ngayon sa may field. Hindi naman siya nakatingin sa akin. Nakatitig lang siya dun sa field.

"sabihin mo nga sa akin. bakit mo sinabi na gf mo ako? magpaliwanag ka muna bago magalit sayo tsaka bakit ka ba ganyan ngayon?

"mas mabuti ng di mo malaman. Hindi mo rin naman maiintindihan eh."

"ano namang palagay mo sa akin? slow? maiintindihan ko yan. sabihin mo na bago ka makatikim ng malakas na batok sa akin." pagbabanta ko sa kanya.

nilapit naman niya yung ulo nya sa akin. " oh ayan. bumatok ka na."

"ah. okay. sige alis na ko. wag mo na akng kakausapin kahit kailan ah." sabi ko sabay tayo.

Tumawa ng malakas si Nigel ng malakas tapos hinila ulit ako sa paupo.

" hahah. sige na sasabihin ko na sayo."sabi niya na may plit na ngiti.

"Hindi ko naman talaga sasabihin na gf kita. Si Miko lang talaga kasi masyadong epal. si Lianne na nga yung itinuturo ko para okay na. Ikaw pa rin talaga sinabi."

"Bakit mo ba kasi sinabi na may gf ka kahit wala naman?"

"ex ko si Lorraine."

Nagulat ako sa sinabi ni Nigel. Tama ba yung rinig ko? Ex niya si Lorraine? Siya ba yung tinutukoy ni Bims na first love ni Nigel yung iniyakan niya ng sobra sobra?

"Sorry." bigla niyang sabi sa akin. "pati ikaw nadadamay sa katangahan ko, hindi ko naman gustong gawin yun eh. Pero kelangan, gusto ko lang ipakita kay Lorraine na masaya na ako. Ayoko na siyang maguilty sa mga ginawa niya noon sa akin. Kaya please Erinn? tulungan mo ako."

Tiningnan ko si Nigel sa mga mata. Nakikita ko na bumalik yung mga lungkot na nararamdaman niya noon. Hindi ko alam pero nalulungkot din ako.

"oo na, girlfriend mo na ako"

Yun na lang yung nasabi ko at ngumiti lang siya na nagpagaan ng pakiramdam ko.

Sungit Meets Kulit (Patiently Waiting)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon