Kabanata 6

195 8 12
                                    

NAIHAMPAS ni Solea ang palad sa tokador dala nang sitwasyon na ngayon ay kinasadlakan niya. It all sinked in on her.

"Damn it!" Ang naisatinig niya nang maramdaman ang nakaliliyong sakit na gumuhit sa kanyang palad nang ihampas iyon. Napalakas masyado ang pagkakahampas niya sa tokador.

"Soledad!" Ang tawag sa pangalan na nakapagpanting nang kanyang tainga. I am not Soledad! She had enough hearing that name that seemed to have cursed her to be throttled to this place, to this situation.

Tumayo na siya mula sa pagkakaupo sa harap nang tokador. Napangiwi at napapikit siya dahil sa pagpaltik ulit nang sakit sa kanyang ulo. Noon niya napansin ang iba pang bahagi nang katawan na nananakit mula sa pagkakahulog. Napahigpit ang kanyang pagkakahawak sa dulo nang mesa nang tokador. Concentrating all the pain that were like a thousand needles poking her all at the same time on the object she was holding.

Umagos ang luha sa kanyang mga mata na naglandas sa kanyang mga pisngi. The excruciating pain was unbearable. Ni hindi na siya makatayo nang maayos. Marahil ay natumba na siya kung hindi nakaagapay sa kanya si Regina ngayon.

I hate this! Nais niyang isigaw ngunit alam niyang pahihirapan lamang niya ang sarili. Piping sigaw na lamang sa isip ang kanyang nagawa.

"Soledad, napapano ka aking kapatid?" May pag-aalala sa tinig na wika ni Regina sa kanya. Umalalay ang mga kamay nito sa kanyang balikat at braso. Halos mabingi siya nang isigaw nito ang iba pang pangalan upang humingi nang saklolo. "Elena! Nana Lucinda!"

She wanted to get out of the room as soon as possible. There must be a way out of this house's memory into her own time.

The tower!

Ngunit sa estado nang pangangatawan ay alam niyang malabong makalakad siya palabas nang silid na iyon.

"Mahina ka pa, Soledad! Utang na loob! Ano ba ang nangyayayri sa'yo?"

"Hindi ako taga-rito. Hindi ako ang kapatid mo. Hindi ako si Soledad!" Ang napagod na sagot niya sa tanong nito. Sumukong naitukod na lamang niya ang mga palad sa mesa nang tokador. "Damn this weak body!" She muttered.

Ang may pagmamadaling mga yabag ang nakapukaw sa kanyang pansin. Napabuga na lamang sa hangin si Solea at maingat na naupo muli sa upuan na katapat nang tokador. Iniwasan niyang mapatingin sa salamin at makikita lamang muli niya ang dahilan nang kaguluhang ito.

Her vision clouded as the palpitating like pain inside her head intensified. Napapikit na nasapo niya ang ulo dahil sa pinaghalong sakit at pag-ikot na nadama.

"Diyos na mahabagin! Soledad!" Were the worried words she heard as her head slipped from her hand. Everything went to an endless pit of darkness.

Nang magkamalay muli si Solea ay nakahiga na siya sa canopy bed. Hindi niya sigurado kung paano siya nabuhat nang tatlo na ngayon ay nakatunghay sa kanya.

"Soledad! Mabuti at nagising ka na! Ako ay aatakihin sa puso sa iyong bata ka." Ang sambit nang nakatatandang babae na isa sa mga nakatunghay sa kanya. "Ano na lamang ang ihaharap kong mukha kay Felicidad oras na magkita kami sa kabilang-buhay?"

Nanatili lang siyang nakatingin dito.

"Hindi mo nga marahil ako naaalala. Ikaw ay maaari nga na may ammisya tulad nang sinabi nang ginoo. Ako ito, ang Nana Lucinda mo."

Pasimpleng umangat ang kanyang kamay upang salatin ang bahagi nang ulo na may benda bago iyon bumaba sa tapat nang kanyang bibig. She wanted to hide the smile that now formed on her lips. Pigil din niya ang sarili sa pagtawa sa eksaheradong naituran nang nakatatandang babae.

SoledadWhere stories live. Discover now