Prologue

544 24 2
                                    

1999.

MALUNGKOT. Iyon ang salitang unang tumatak sa kanyang isip habang tanaw ang istrakturang bagamat niluma na nang panahon ay nanatiling matatag sa paglipas nang mga taon. Isama pa ang katahimikan na tanging ang lagaslas lamang nang mga dahon nang matatayog na puno sa paligid ang naririnig sa panaka-nakang paglakas nang hangin. Nakatulong marahil ang mga puno na nakapalibot sa istraktura upang maging malamig at sariwa ang simoy nang hangin sa napakainit na hapon na iyon nang Marso.

Ilang minuto mula ngayon ay kanila nang papasukin nang kanyang mga kaklase ang istraktura na usap-usapan sa kanilang baitang bilang haunted house.

Hindi niya tukoy kung saan nasagap nang kanyang mga kaklase ang kaisipan na haunted house ang istraktura na iyon. Ang tanging alam lamang niya ay naging matunog ang lugar sa mga mag-aaral nang kanilang eskwelahan upang subukan ang kani-kanyang tapang. Ilang grupo na rin ang nakapasok at nagbahagi nang kani-kanyang karanasan sa pagpasok sa nasabing 'haunted house'. Magkakasalungat man ang kani-kanyang kwento ay mas napaigi naman niyon ang kuryusidad nang mga hindi pa nakatapak man lang sa lugar.

At ngayon nga ay kasama na siya sa pangalawang grupo sa kanilang klase na makakapasok doon. Una ay upang samahan ang kanyang matalik na kaibigan at pangalawa ay dahil na rin sa kanya fascination sa nasabing haunted house.

Nang makapagbayad nang entrance fee na piso ang lahat sa caretaker ay sinamahan na sila nito sa pagpanhik.

Sa unang pagtapak niya sa loob nang lumang istraktura ay wala naman siyang kakaibang naramdaman. Mas pakiramdam nga niya ay maaliwalas ang paligid at para bang nanghihikayat pa nga na sila ay tumuloy doon. Malinis din ang paligid ngunit kapansin-pansin na wala nang halos gamit sa loob maliban sa ilang muwebles tulad nang mga upuan at aparador na ang mga disenyo ay kaiba sa nakagisnan niya sa kanilang bahay, ang mga salamin ay malabo at may mga tila mantsa na marahil ay dahil sa kalumaan nang mga ito.

Hindi sila pinapasok nang caretaker sa ilang silid sa unang palapag at idiniretso na iakyat patungo sa ikalawang palapag. Panaka-naka ay sinasagot naman nito ang katanungan nang mga kaklase niya sa mga larawan nang mga tao na nakasabit sa dingding at kung ano pa tungkol sa lumang bahay.

Walang imik lamang siya na nakasunod sa dulo kasama ang kanyang matalik na kaibigan at kuntentong sinisipat ang bawat larawan o muwebles na kanilang nadaraanan. Muli ay hindi sila pinapasok nang caretaker sa mga silid sa ikalawang palapag pagkat nakasara daw ang mga iyon.

Ang sunod na pupuntahan nila ay ang tore na nasa ikatlong palapag nang naturang bahay.

Iyon ang pinakahihintay nang mga kaklase niya, lalo nang mga lalaki, dahil sa white lady daw na nagpapakita roon. May kani-kanyang bersyon na rin siyang narinig patungkol sa nasabing white lady. Pero, sa lahat nang iyon ay isa ang bumenta sa kanya, nagpakamatay daw na anak nang ninuno nang may-ari nang naturang lumang bahay ang white lady na iyon. Sa tore daw ito nakitang walang buhay at nakabitin.

Dahil maliit lamang ang espasyo niyon ay lima lamang ang sali-salitan na pinayagan nang caretaker na makaakyat. Matarik daw ang hagdan sa itaas at dahil may kalumaan na rin ay kailangan nilang mag-ingat.

Sa ilang minuto nilang paglalakad ay wala pa ni isa siyang kakaibang naramdaman. Naiisip na niyang isang malaking kalokohan lamang nang kung sino ang pagtawag sa lumang bahay na iyon bilang haunted house. Nais na niyang hilain ang matalik na kaibigan na lumabas na lamang at umuwi nang dumagundong ang malakas na kulog. Sakto naman umangat ang kanyang mga mata sa larawan sa kanyang tabi.

Larawan iyon nang isang babae.

Tingin niya ay bata pa ito na maaaring kaedaran nang kanyang mga pinsan na nasa early twenties. Kung hindi lamang sa paninilaw, pangingitim nang ilang bahagi niyon, at kasuotan nang babae ay hindi niya aakalain na luma na ang larawan.

Nakaramdam siya nang kaunting kilabot nang dumako ang kanyang paningin sa mga mata nang nasa larawan.

Para bang kaharap lamang niya ito na mataman na nakatingin sa kanya. Hindi ito nakasimangot at hindi rin naman ito nakangiti. Hindi rin niya masabi na walang anumang ekspresyon sa mukha nito pero pakiramdam niya ay malungkot ang babae sa larawan.

Hindi na niya nagawang tanungin pa ang caretaker kung sino ang babae sa larawan nang hilain siya nang matalik na kaibigan. Sila na pala ang susunod na aakyat sa matarik at pang-isahang hagdan paakyat nang tore.

Lumalangitngit ang mga baitang sa bawat pagtapak nila roon, isama pa ang amoy na pinaghalong lumang kahoy at alikabok. Hindi rin ganoon kalinis kumpara sa unang dalawang palapag nang kabahayan ang maliit na silid nang tore. Sira-sira na rin ang mga bintana roon. Ang ikinaganda lamang ay tanaw nila roon ang mga puno at ang ilang seksyon nang lumang bahay, maging ang ilang kabahayan na hindi natatakpan nang mga puno.

Wala siyang anumang presensiya o kakaibang naramdaman sa silid na iyon nang tore. Doon niya lalong napatunayan na kalokohan lang upang manakot ang mga kwentong narinig niya.

Ilang minuto lamang silang nanatili nang kanyang matalik na kaibigan doon bago nagpasyang bumaba upang bigyang pagkakataon ang susunod sa kanila. Ilang hakbang na lamang siya sa bukana nang makitid na hagdan nang may mapansin na nakatayo roon.

Nakailang kurap pa siya upang masigurong hindi namamalik-mata. Guni-guni lamang marahil niya iyon sa kagustuhang may makita ngunit bigo.

Sukat doon ay dumagundong muli ang malakas na kulog na ang tunog ay tila ba may sumabog.

Napatili ang mga naroon dala nang magkahalong pagkagulat at takot. Pero, hindi niya inasahan na mag-uunahan ang mga kasama niya pababa dahilan upang maitulak siya nang matalik na kaibigan na nakasunod sa kanya.

Muli ay napansin niya ang tila puting usok na para bang bumalot sa buo niyang katawan. Ipinikit na lamang niya ang mga mata at hinintay na mahulog at masaktan.

At ang sumunod na pangyayari roon ay hindi na niya matandaan pa.

Nagising na lamang siyang nasa papag sa isang silong at ang mga kaklase ay nakatunghay na may pag-aalala sa mga mukha na nakapalibot sa kanya.

Walang kamuwang-muwang na ang pangyayaring iyon ay siyang ugat nang pagsisimula nang lahat.




SoledadWhere stories live. Discover now