Kabanata 12

100 5 5
                                    

MGA huni na lamang ng mga insekto ang tanging naririnig ni Solea sa paligid at ang paminsan-minsan na paghilik ni Nana Lucinda na katabi niya sa higaan. She had no idea what time it was, all she knew was that she could not sleep.

Matagal na rin na nakahiga siya at ngayon nga ay tulala siya sa kawalan.

Nagpakawala na lamang siya nang buntong hininga at dahan-dahan na bumaling nang higa patalikod kay Nana Lucinda. Solea was frustrated. She was itching to get out of bed and do something.

But, Nana Lucinda... Solea could only inwardly laugh and cry. For sure, a single movement from her getting off the bed would wake the old lady beside her. Ilang gabi na rin magmula nang samahan o mas tamang sabihin na bantayan siya nito sa pagtulog.

Lalo na sa nangyari sa kanya kanina sa tore.

"Hay!" Ang mahinang nasambit ni Solea sa kawalan. Minabuti na lamang niyang bumangon sa pagkakahiga. Mas lalong hindi siya makakatulog kung pipilitin niya ang sarili.

Hindi pa man nakakatayo mula sa pagkakaupo sa gilid nang kama ay narinig na niya ang bagamat may himig nang pagkaantok ay klarong tinawag ang pangalang nakakasanayan na niya.

"Soledad?" Ang pagtawag ni Nana Lucinda na nang lingunin niya ay pabangon na rin sa pagkakahiga.

"Naiihi po ako, nana." Ang mabilis na dahilan ni Solea at naglakad patungo sa arinola na ilang dipa lamang ang layo sa higaan.

Hindi umimik ang matanda pero nanatili lang itong nakaupo sa gilid nang kama.

Solea then casually squat on the piss pot while facing the old lady. Noong una ay naiilang pa siya roon pagkat huling gumamit siya nang arinola ay noong kabataan pa niya. That was two decades ago, back when their life was simple yet happy. Nang matapos na siya roon at tumayo ay saka naman tumayo si Nana Lucinda. Sa una ay nagtaka siya kung saan ito pupunta pero nang tahakin na nito ang direksyon kung saan siya naroon ay nagkaideya na rin siya.

Gustong tumawa ni Solea sa napagtanto niya. She assumed something that was far from that very something. Tinalunton na lamang ni Solea ang kinaroroonan nang lamesa. Kailangan niya ng pagkakaabalahan habang ganito at hindi siya dalawin nang antok. Sinindihan niya ang kandila na nakapatong sa mesa at naupo sa upuan. Madilim ang paligid sa labas nang bintana na kaharap ng mesa.

"Ikaw ba'y hindi dalawin nang antok, hija?" Ang tanong ni Nana Lucinda nang matapos na rin ito.

"Hindi po, nana." Ang walang ligoy na sagot ni Solea. Nakatuon na ang pansin niya sa mga gamit na naroon sa mesa, partikular sa maliit na kahon na gawa sa kahoy.

"Nais mo bang ipaghanda kita nang maiinom?"

"Salamat po, nana, pero ayos lamang po ako. Bumalik na lamang po kayo sa pagtulog." Tanggi ni Solea na kinuha na ang kahon na gawa sa kahoy upang usisahin ang laman niyon. Naalala niyang doon niya basta na lamang isinilid ang porselas na ipinasauli ni Noe kay Caridad para kay Soledad.

Ang pang-ingit nang kama ang nakakuha nang atensyon ni Solea.

"Mauna na akong matulog muli, Soledad. Pakiusap ko lamang hija na huwag mo na sana pang tangkain na lumabas ngayong gabi."

"Opo, nana." Ang pagsunod na tugon na lamang ni Solea. Mula sa kahon na kahoy ay nag-angat nang paningin si Solea, natuon ang kanyang paningin sa labas nang bintana. Hindi man niya matanaw nang husto ang lugar na itinuro ni Soledad sa kanyang panaginip kanina ay makakaasa naman si Nana Lucinda na wala siyang anuman na balak na magpunta roon nang dis-oras nang gabi.

Malamang sa malamang ay baka mapahamak pa siya kung sakali.

But she would go there one of these days and see what she may discover at that place.

SoledadWhere stories live. Discover now