Eleven

58 6 0
                                    


******************

elEVEN

******************

"We stopped checking for monsters under our bed when we realized they were inside us."

-Charles Darwin

******************

ZOE VAN

"Shit! Ang tanga ko! Ang tanga tanga ko!"

Halos pang hinaan na ko ng loob nang kahit anong pilit ko ay hindi ko mabuksan ang pinto. Sinubukan kong sumigaw at humingi ng tulong pero wala ding saysay.

Miss Loon, tawagan mo lang ako kapag handa ka ng magsalita.

Agad na tumayo ako ng maalala ang tagpong iyon. Mabilis na lumapit ako sa drawer ko at hinanap ang maliit na papel na yun.

Ang papel na posibleng mag ligtas kay Freyja.

Ang papel na pwedeng tumulong para matapos na ang lahat.

Gamit ang telepono ko ay agad na dinial ko ang mga numero at halos mapudpod na ang sahig sa pabalik balik na pag lalakad ko.

"Detective!"
Agad na sabi ko ng sagutin nito ang tawag ko.

"Miss Loon, may problema ba?"

"D-detective! I-i need your help! I need your help now! S-si Freyja! Baka mapahamak sya!!"
Nag hehesterical ng sigaw ko.

"Miss Loon, please kumalma ka muna. Nasan kaba pupuntahan ka namin."

"N-nandito ako sa bahay. Please bilisan nyo lang! H-hindi ko na alam ang gagawin ko!"

"Sige. Kumalma ka lang. Papunta na kami!"

Narinig ko ang mga ingay na gawa ng pag takbo nila bago tuluyang nawala ang linya.

Tuluyan na nga akong napaupo sa sahig ng maalala si Freyja.

Natatakot ako sa pwede nyang gawin.

Masyadong delikado si Loralai at natatakot ako na baka dahil sa kanya mawala sakin si Freyja.

Freyja... please be safe... hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyare sayo.

Napaiyak na lang ako sa sobrang takot at sa sobrang inis sa sarili ko.

Palagi na lang ganito. Palagi na lang akong walang magawa para sa kanya. Ni hindi ko sya maligtas sa kalungkutan at ngayon wala akong magawa kundi ang umiyak lang habang walang kaide ideya kung nasan na ba sya ngayon.

Hindi na nag pafunction ang utak ko! Ni hindi ko man lang maisip na basagin na lang ang bintana.

Tama!

Agad na pinunasan ko ang pisngi ko at mabilis na kumuha ng matigas na bagay sa kung saan. Gamit ang walis tambo ay pumusisyon ako para basagin ang bintana. Huminga muna ako ng malalim at buong lakas na hinampas ang bintana. Napasigaw na lang ng may ilang mga bubog ang tumama sa braso kong pinang harang ko sa mukha ko.

TATsuLOkWhere stories live. Discover now