Seven

70 9 0
                                    

********************

sEVEN

********************

"Normal is an illusion. What is normal for the spider is chaos for the fly."

-Charles Addams

********************


LORALAI

Ang mga mata nya...

Hindi ko alam kung nililinlang lang ba ko ng mga mata nya o sadyang nakikita ko ang pagiging totoo nya.

Ayoko ng ganitong pakiramdam...

Dapat talaga tinapos ko na sya nang may pag kakataon pa ko!

"Alam mo bang nagawa ko ng mag paanak ng buntis?"
Nakangiting sabi nya pero hindi ako sumagot.

Nanatili lang akong nakatingin sa kanya at pinipilit ang sarili ko na patayin na sya.

Pero hindi ko alam kung bakit hindi ko magawa.

Parang may kumokontrol sa katawan ko na gawin ang binabalak ko.

"Isang gabi nadaanan ko ang isang buntis na malapit ng manganak. Sinakay ko sya at mabilis na dinala sa ospital pero masyadong mapag biro ang tadhana. Nag karoon ng banggaan sa daan na tinahak namin kaya ang ending hindi kami nakadaan. Sigaw na sya ng sigaw nun at iyak na rin sya ng iyak at sinasabing iligtas ko ang bata. Isa akong detective at kahit kailan hindi ko naisip na maging doctor pero nung time na yun, habang nakikita ko syang nag mamakaawa parang nasasaktan ako. Tumawag ako sa emergency pero matagal pa bago sila makarating, malayo parin kami sa ospital kaya naman wala akong choice kundi ang gawin ang hindi ko inaasahang gagawin ko. Saktong dating ng rescue, nailabas na ang bata, sa loob mismo ng kotse ko."
Mahabang kuwento nya pero nanatili parin akong tikom.

Nakatingin lang sya sa malayo na para bang binabalikan talaga ang nakaraan.

"Nung time na nasa ospital na kami, dun ko nalaman na mag isa lang pala sya. Tinakwil sya ng magulang nya dahil maaga syang nabuntis at ang masakit, kasama ang asawa nya sa mga lalaking nahuli sa isang raid sa isang bar."
Sandali syang tumahimik at tumungo.

"Alam mo ba, nung araw din na yun, dun ko na realize kung gano kahirap maging isang babae. Noon ko na realize na babae pala talaga ang may pinakamahalaga at mahirap na papel sa lipunan. Maraming bagay na kayang gawin ng babae na nagagawa rin ng lalaki, mag alaga ng mga anak, mag hanap buhay, mag linis, mag luto  halos lahat kayang gawin ano mang gender pero may isang bagay na bukod tanging babae lang ang makakagawa at yun ay ang mag silang ng bagong buhay."
Sabi nya at nakangiting tumingin sakin, deretso sa mga mata ko.

"Kahit kailan, hindi yun kayang gawin ng lalaki. Siguro nga, hindi mabubuo ang isang bata kung walang tulong ng lalaki pero hanggang dun lang ang papel nya samantalang ang babae halos buong buhay nya, apektado na once na nabuntis na sya. Nakaramdam ako ng galit sa ka livein ng batang nadaanan ko. Inisip ko nun, paano kung hindi ko sya natulungan? Paano kung hindi ko sya nakita o kung walang nakakita sa kanya? Kitang kita ko kung pano sya mahirapan habang nanganganak. Nasasaktan sya at napapagod pero ang inaalala nya ay yung anak nya pero yung ama ng bata? Ayun at nag papakasaya!"

"So whats your point?"
Hindi ko na maiwasang maging sarkastiko.

Napakarami nyang sinabi at lahat yun ayokong tanggapin, ayokong intindihin dahil pakiramdam ko, binibilog lang nya ang ulo ko.

TATsuLOkWhere stories live. Discover now