Six

72 8 0
                                    

********************

SIX

********************

"I know that if i wasnt scared, something's wrong, because the thrill is what's scary."

-Richard Pryor

********************

DETECTIVE PHILIPPS


Alas singko na at dahil ngayon lang ako naging libre ay ngayon lang ako may pagkakataon na puntahan sa apartment nya si Freyja Ayala.

Okupado ang elevator kaya naman naisipan ko na lang na mag hagdan.

Nasa ika apat na floor na ko ng makarinig ng mga sigawan na tila nag tatalo.

"Malandi ka!"

"Hindi ko na kasalanan kung mas maganda ako sayo!"

"Abat! Hoy babae ka! Ang kapal talaga ng mukha mo! Akala mo kung sinong tahimik! Malandi naman pala!"

"Ha! Hindi ko na problema kung hindi ka maganda!"

"Hoy! Ang sabihin mo nilalandi mo ang boyfriend ko!"

"Babe tama na!"

"Hindi landi ang tawag dun. Dahil kusa silang naaakit sa ganda ko! Nakakamatay ang ganda ko dahil hindi ako katulad mo!"

"Abat!!!"

Nakarinig pa ko ng ilan pang mag sigawan. Binuksan ko na ang pinto ng fire exit at nagulat ako sa nang yayareng gulo.

Mabilis na nakiaawat ako sa dalawang babae na ngayon ay nag sasabunutan.

"T-tama na!"
Hinihingal na sigaw ko.

Nahinto naman silang lahat at masama pang tumingin sakin ang isang lalaki na sa tingin ko ay boyfriend ng babaeng hindi ko sadyang naitulak sa pag awat.

Mabilis na nilabas ko ang ID ko.

"Isa akong detective. Ngayon kung ayaw nyong ipaaresto ko kayong lahat itigil nyo na to!"
Sabi ko na halatang kinatakot naman nila.

Nanatili ako sa gitna at nakahinga ng maluwag ng sa wakas ay umalis din sila.

Pero hindi ang isang to.

"Sino ka para makielam?!"
Sigaw sakin ng babaeng nasa kanan ko.

Nilingon ko sya. Hindi naman ako makapag salita ng makita kung sino sya.

"Detective!"
Masayang sabi nya at kung kanina ay salubong ang mga kilay nya, ngayon ay tinignan nya ko na parang nangaakit.

Sya si...

"Loralai."
Naiusal ko na lang pero mukhang narinig nya at nag taka sya.

"Wait, you know me? How did you know me?"
Takang tanong nya. Hindi naman ako agad nakasagot.

"Ah! Ikaw ha! Sabi ko na nga ba type mo din ako eh! Siguro pinag tanong mo ang pangalan ko, no?"
Sabi nya na mas lumapit pa sakin at dahil naka sando lang sya halos kitang kita ko na ang kalahati ng dibdib nya.

Mabilis na nilayo ko sya sakin at pinilit na gawing masungit ang mukha ko.

"Talaga bang takaw ka sa gulo? Palagi ka na lang nakikipag away."

Kunwari ay galit na sabi ko sa kanya.

"Hindi ako nag simula no! Sya tong bigla na lang mananampal dahil daw inaagaw ko ang boyfriend nya! Tch! As if namang papatulan ko ang lalaking yun!"
Inis na sabi nya at kahit gulo gulo ang buhok nya, talagang maganda parin sya.

TATsuLOkWhere stories live. Discover now