Twelve

55 7 0
                                    

******************

tWElvE

******************

"The monsters that rose from the dead, they are nothing compared to the ones we carry in our hearts."

-Max Brooks

******************

LORALAI


"Aghh!"

Daing nya kasabay ng pag tulo ng dugo mula sa bibig nya.

Sunod sunod na napaubo ako ng bumagsak sya sa sahig sapo sapo ang leeg nya na patuloy na nilalabasan ng dugo.

"H-hayop ka talaga!"
Inis na sabi ko at muling napaubo.

Nang makabawi ay agad na lumapit ako sa kanya.

Wala na kong ibang nararamdaman kundi galit at kasiyahan na makita syang nag hihirap. Gumapang sya palayo sakin pero masyado nang nilalamon ng demonyo ang sarili ko at gustong gusto ko na agad kitilin ang buhay nya kaya naman walang alinlangan kong pinulot ang basag na salaming nasa sahig.

Ramdam ko ang paghiwa nito sa kamay ko ng hawakan ko to ng mahigpit.

Ramdam ko pa ang bawat dugong tumutulo sa buong katawan ko dahil sa ibat ibang sugat na natamo ko pero masyado na kong manhid.

Naubos na ang nararamdaman ko at ang tanging naiwan na lang ay poot at pag hihiganti.

"Tapusin na natin to."
Pagod na sabi ko at walang pag dadalawang isip na binaon ang salamin sa dibdib nya.

Tuloy tuloy ang pag tulo ng dugo mula sa leeg, bibig at ngayon ay dibdib nya.

Pero kulang pa!

Kulang pa ang lahat.

Napaluha ako ng bumalik ang mga imahe ng taong mahalaga sakin.

Si mommy...

"Mommy nag sisisi kaba na ako ang naging anak mo?"
Tanong ko sa kanya.

Nasa beranda kami ngayon at magkatabi na nakaupo sa isang malaking sopa. Nakayakap ako na parang bata sa kanya habang hinahaplos naman nya ang ulo ko.

"Hindi. Kahit kailan wala akong pinag sisihan."

"Mommy, mas mahal nyo po ba si ate? Palagi ko po kase kayong nakikitang umiiyak at tinatawag ang pangalan nya."
Hindi na ko nagulat ng marinig ang hagulgol nya.

"Im sorry... im very sorry..."

Mabilis na bumangon ako mula sa pag kakasubsob ko sa dibdib nya at nag aalalang tinignan sya.

TATsuLOkWhere stories live. Discover now