Eight

68 9 0
                                    


********************

EighT

********************

"Just when you think you've hit rock bottom, you realize you're standing on another trapdoor."

-Marisha Pessl

********************

FREYJA

Hindi...

Hindi pwedeng mangyare to...

Mali lahat ng to...

Kanina pa ko lakad ng lakad at pabalik balik lang ako. Hindi ako mapakali at kanina pa ko nanginginig.

Panong nangyare yun?

Panong nangyare lahat ng yun?

Taranta akong lumapit sa cabinet ko at mabilis na hinanap ko ang phone ko. Wala akong paki kung masira man ang ibang phone na hinahagis ko ang mahalaga ay makuha ko ang cellphone ko.

Nag karon naman ako ng pag asa ng makita ito. Nanginginig man ay sinubukan ko paring buhayin ito pero kahit anong pindot ko namamatay lang.

Mabilis na tumayo ako at hinanap ang charger ko. Ilang beses ko pang sinubukang isaksak ang charger sa socket pero hindi ko magawa ng tama dahil sa sobrang panginginig.

"Ano ba!"
Inis na sigaw ko at sa wakas ay nasaksak ko din ng tama.

Napaupo ako sa sahig at bahagya akong nagulat ng maramdaman ang lamig nito.

Muli kong tinignan ang sarili ko sa salamin at hindi ko na maiwasan ang maluha. Nanginginig man ay nagawa ko paring makatayo at makapunta sa CR. Naligo ako at madiing kinuskos ang sarili kong balat.

Nandidiri ako sa sarili ko.

Pano ko nagawa ang bagay na yun?

Napaiyak na lang ako at napayakap sa sarili ko ng maalala si Zoe.

Ang sama ko!

Niloko ko sya!

Napaupo ako sa tiles at umiiyak na niyakap ang sarili ko.

Kahit kailan, hindi ko naisip na magagawa ko yun. Hindi ko naisip na magagawa kong lokohin ang babaeng mahal ko.

Umiiyak na sinabunutan ko ang sarili ko.

Kahit anong gawin ko wala akong matandaan. Hindi ko alam kung anong mga nangyare o kung pano ako napunta sa lugar na yun.

Muling nanginig ang mga kamay ko ng maalala ang mukha nya.

Ilang minuto pa kong natulala lang sa ilalim ng bukas na shower bago naisipang tumayo at lumabas. Nag bihis ako at tyaka ko lang napansin ang napaka kalat na bahay. Walang buhay na lumapit ako sa phone ko at binuhay ito. Sunod sunod ang mga messages na dumating at karamihan ay galing kay Zoe. Napapangiti ako sa tuwing babasahin ko ang mga messages nya.

Nag aalala na talaga sya sakin.

Natunaw ang ngiting yun ng maalala ang kasalanang ginawa ko.

Hinayaan ko na muna ng phone ko sa ibabaw ng cabinet at nag simulang mag linis.

Ni hindi ko na alam kung anong araw na ba ngayon o kung anong oras na. Hindi na ko nag abalang tumingin pa sa kalendaryo o sa orasan dahil pakiramdam ko wala din namang saysay.

TATsuLOkDonde viven las historias. Descúbrelo ahora