Thirteen

55 6 0
                                    


******************

thirTEEN

******************


"Maybe all the schemes of the devil were nothing compared to what man could think up."

- Joe Hill

******************

DETECTIVE PHILIPPS

Matapos ang nakakalito, nakakagulat at nakakadalang tagpo kanina sa rest house ng mga Goodman ay mag kakasama naming dinala sa opisina si Miss Ayala kasama si Zoe.

Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman sa nga nasaksihan ko kanina pero ang alam ko lang ay hindi naging patas ang mundo.

Parang unti unti ko ng naiintindihan ang nangyayare.

Mukhang muli na namang umiral ang kapangyarihan laban sa katarungan.

Magkahalong saya at galit ang naramdaman ko laban kay Jaiden Ray Goodman na nakaligtas at kasalukuyang nasa kritikal na lagay dahil sa saksak nito na halos umubos sa dugo nya.

Hindi ko pa alam ang tunay na nangyare pero sa mga nasaksihan ko kanina, mukhang ang biktima na naman ang nag dusa sa isang krimen.

Hindi ko talaga alam kung pano ko haharapin si Ayala. Masyado pang magulo para sakin at hanggat hindi ko naririnig ay hindi ako pwedeng mag conclude na lang agad.

"Detective, mukha ng bulkang sasabog sa galit si inspektor."
Sabi ni Vargas kaya naman napasimangot ako.

"Kayo ng bahala sa kanya. Aakuin ko ang lahat pero sa ngayon, gusto kong ako ang kumausap sa kanya."
Sabi ko na nakatingin kay Ayala na nasa kabilang kuwarto.

Pinag masdan ko lang sya. Ilang minuto na ng makarating kami dito pero hindi ko parin alam kung pano ko sya haharapin at kakausapin.

Panay ang lingon nya at minsan naman ay nakatulala lang sya. May pag kakataon naman na bigla syang tutungo at parang umiiyak. Hanggang sa mapatingin sya sa salamin na pumapagitna samin.

Alam kong hindi nya ko nakikita pero parang derekta sa mga mata ko ang mga tingin nya.

Nung una ay nakatitig lang sya na para bang nakatingin lang sya sa mga mata ko pero maya maya ay biglang nag bago ang reaksyon nya na para syang naging iritable at tyaka inayos ang gulo gulo nyang buhok.

Marami syang sugat at tanging first aid lang ang nailapat namin sa kanya dahil ayaw nyang mag padala sa ospital. Maging si Zoe na nasa kabila namang kuwarto ay ayaw ding pumunta ng ospital sa kagustuhang samahan si Ayala.

Pati ang itatawag sa kanya hindi ko na alam.

Seryoso at walang imik akong pumasok ng interrogation room at deretsong umupo sa katapat nyang upuan dala ang mga dokumentong tungkol sa kaso na nilapag ko sa mesa.

"Bakit?"
Masungit na tanong ko dahil sa mapanuring titig nya.

"Mukhang na miss mo na ko detective, hindi ka na yata makatulog ng hindi ako katabi."
Nangaakit na sabi nya at hinaplos pa ng hintuturo nya ang kamay ko na nasa ibabaw ng mesa na agad ko ding tinabig.

TATsuLOkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon