Five

81 7 0
                                    

********************

FIvE

********************

"Is evil something you are? Or is it something you do?"

-Bret Easton Ellis

********************

LORALAI

"Buwisit! Nauubos ang oras ko dahil sa mga walang kuwentang kasama ko! Mga walang pakinabang!"

Inis na sigaw ko sa loob ng kuwartong puno ng sikreto.

Hindi ko na magawa ang mga plano ko dahil lagi silang bigla na lang susulpot at manggugulo.

Hindi nila gayahin si Freyjang tanga? Nananahimik lang at sana nga hindi na sya mag pakita pa.

Inayos ko ang soot kong wig. Sinubukan ko pang sabunutan ang sarili ko para masubukan kung matibay ang pag kakakapit nito.

"Aray!"

Singhal ko sa sarili ko. Damang dama ko ang sakit sa pag kakasabunot na yun pero hindi ko maiwasang ngisian ang sarili ko sa salamin.

Wala kayong magagawa para patigilin ako.

Matapos ayusin ng ilang beses pa ang sarili ko ay dinala ko na ang mga dapat kong dalhin.

Chineck ko pa muna ang perang dala ko at mukhang kailangan ng bumalik ni Freyja para mag ipon ng perang gagamitin ko.

Matapos ibigay sa taxi driver ang address na pupuntahan ko ay pinilit ko ang sarili ko na manatiling gising. Ilang beses ko pang chineck ang mukha ko kung hindi halata ang eye bag ko.

Matapos mag bayad ay bumaba na rin naman agad ako. Nakatingin lang ako sa isang one storey house na nasa harap ko. Tinignan ko pa muna ang mga nakapaligid dito at napangisi na lang ako ng makitang malaki ang agwat ng bawat bahay na nandito.

Hindi ko naisip na madali ko lang magagawa ang plano ko...

Planong patayin ngayong gabi si Arnold Quaron.

Ang gagong dadagdag sa impiyerno.

Alam kong bukas, matapos kong patayin ang gagong to ay kakalat na ang mukha ko pero wala akong paki. Dahil mga tanga sila kaya malamang kakagatin nila ang pain ko.

Nag doorbell na ko at hinintay ang taong sabik ko ng patayin.

Hindi ko alam na sa simpleng pakikipag video call ko sa kanya ay papupuntahin nya ko dito sa bahay nya.

"Wow! Youre more beautiful in personal than those videos and pictures."
Puri nya sakin na pinasadahan pa ng tinging ang kabuuan ko.

"Thank you. Pwede na ba kong pumasok?"

Para mapatay na kita!

"Oh! Sorry. Ang ganda mo kase."
Tumawa na lang ako na kunwari ay kinikilig.

Hindi ko naiwasang mamangha sa ganda ng mga antique na naka display dito sa sala nya. Hindi ko na napigilan na hawakan ang isa sa kanila.

"Hindi kaba natatakot?"
Takang tanong nya ng makitang hawak ko ang isang pigurin ng isang mistulang taong demonyo. May sungay at buntot kase sya pero may pakpak sya.

TATsuLOkWhere stories live. Discover now