38

544 23 28
                                    

Pagkacheck in naming ay tumungo na agad kami sa kwarto na ibinigay sa amin ng receptionist. Kami lang ang nahiwalay ng floor ni Al. Nasa 3rd floor sila samantalang nasa 4th floor naman kami para naman daw makapag-usap kami ng ayos at hindi maistorbo. "Hindi mo sinagot ang tanong ko kanina?" Bungad na tanong ko sa kanya pagkalapat na pagkalapat palang ng pinto pagkatapos makapasok sa loob.  

Naupo ako sa kama habang si Al naman ay dumertso sa mesita para ilagay doon ang susi ng kwarto at ang maleta ko sa tabi non. "Ang alin yon?" Tanong sagot niya.  

"Yung, paano mo nalaman na naandito ako? Bakit hindi mo ata kinampihan si Inday? Bestfriend mo siya diba?"Nakakapagtaka lang na nasundan niya agad ako dito ibig sabihin pag-alis ko palang nang mga ilang oras ay nasundan na niya agad ako?  

Tinignan ko siya, pinaglalaruan niya lang ang handle ng maleta ko habang nakatungo. "Wala akong bestfriend na katulad niya." Itiningala nito ang mukha niya. "Pagkatapos kong malaman ang lahat, hindi ko alam kung paniniwalaan pa ba siya?" Sumama ang ang tingin nito at nag-igting ang panga niya. 

Pagkatapos niyang malaman ang lahat? Paano niya nalaman? Sino ang nagsabi sa kanya? Sa pagkakatanda ko iniwanan ko siyang clueless. May posibilidad na may alam din ba si Tita Mildred? "Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko habang nakakunot ang nook o. 

"Nung nakita mo kaming naghahalikan, hindi ko yon sinasadya. Hindi ko alam na gagawin niya 'yon sa akin. Pumunta siya sa hotel at sinabi na kailangan niya ako. Hindi ko siya pinapasok sa kwarto dahil baka may makakita nga sa aming dalawa at pinag-antay ko siya sa restaurant ng Hotel." Tumigil ito. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o magagalit sa binibigay niyang paliwanag sa akin. Si Inday talaga ang nagpagulo ng lahat.  "Nung nakita kita at akmang lalapitan ay bigla niya akong hinila at hinalikan. I'm very sorry. Hindi ko alam na mangyayari yon." Nanlalabo ang paningin ko dahil sa huli niyang sinabi. Ramdam ko yung paghingi niya ng sorry sa akin.  

Tumayo ako para lumapit sa kanya. Namumula ang mga mata niya ngayon.  Pagkalapit ko sa kanya ay hinawakan ko ang dalawang braso niya bago tumingala. "Sorry din, dahil hindi kita pinag explain sa nakita ko bagkus ginantihan pa kita. Nang panahon na yon hindi ko alam ang gagawin ko. Kung susundin ko ba ang utos ng Lolo ko o ipaglalaban kita pero nang nakita kita at ng babaeng yon galit ang umiral sa akin at sinunod ang kagustuhan ng Lolo ko." Tumulo ang mga luha ko dahil sa kaligayahan. Sa wakas nasabi ko na din sa kanya ang lahat. "Yung kay Sir Montello, pinalabas ko lang yon para layuan mo na ako at iwanan. Dahil baka magbago na naman ang desisyon ko pag nakita kitang nagkakaganon ng dahil sa akin." Sumunod ko pa. Para akong nabunutan ng tinik ng masabi ko sa kanya ang lahat ng nangyari. 

"Sa susunod wag ka ng magsisikreto sa akin.  Hindi ko alam kung paano huhulaan ang nasa isip mo. Pati bigyan mo ako ng oras para magpaliwanag kung may mali man akong ginawa sayo. Hindi yung puro galit nalang ang uunahin mo. Hindi mo alam kung gaano kasakit ang mahiwalay sayo ng matagal. Para akong upos na unting-unting nawawala dahil wala ka sa tabi ko. Galit na galit ako sayo noon pero sa tuwing nakikita ko ang mukha mong mala anghel nawawala bigla bumabalik lang pag lumalapit sayo si Montello. "Aniya. 

Napangiti ako sa sinabi niya. Napakaseloso talaga ng lalaking ito. Niyakap ko siya ng napakahigpit. Namiss ko ang malapad niyang dibdib at ang matitigas na mga muscles at abs niya. "Salamat sa mga kaibigan mo kung hindi nila sinabi sa akin lahat hanggang ngayon di pa rin tayo magkakaayos." Bulong niya.  

Sharap (Baka Girls #1)-CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon