Epilogue

611 16 5
                                    

¨You may now kiss the bride.¨ Anunsyo ng Pastor ng matapos ang seremonya ng kasal namin ni Al. Ramdam ko ang pamumula ng mga pisnge ko lalo na ngayong nagsiiritan at nagsipulan ang mga tao dito. Tinignan ko si Al na ngayon ay malaki ang pagkakangisi. Kahit kailan talaga napaka manyak ng lalaking ito.


Unti-unti siyang lumapit sa akin habang inaangat ang belo ko. Hindi pa rin nawawala sa kanya ang ngisi sa mukha. Lumingon muli ako sa mga tao sa harapan namin. Nakakahiya!  Nagsilabasan na ang mga cellphone nila at lahat 'yon ay nakatutok sa aming dalawa.


Hindi ko alam kung dahil lamang sa pagbubuntis ko ang halo-halong nararamdaman ko ngayon. Two hours ago, isa pa akong Ms. Samuel ngayon ay isa na akong Mrs. Nicholas. 


Pagka-angat ni Al sa belo ko ay hinawakan niya ng dalawang palad ang magkabila kong pisnge bago dahan-dahan niyang inilapit ang mukha sa mukha ko. Awtomatikong napapikit ang mga mata ko. Naramdaman ko na lamang ang maiinit niyang labi sa aking labi. Hindi ko napansin na may tumulong butil na luha sa mukha ko ngayon. Hindi ko alam kung bakit? ito siguro ang tinatawag na luha ng kaligayahan na sinasabi ng mga matatanda dati.


Ilang segundo ang lumipas bago niya inihiwalay ang labi sa labi ko. Nagpalakpakan ang mga tao. Hindi ko 'yon pinansin tanging ang nakikita ko lang ang mukha ni Al na ngayon ay malaki ang pagkakangiti. Pinahiran niya gamit ng hinlalaki ang mga luhang lumalandas sa mata ko. Malapad na ngiti ang isinukli ko do bago niya ako hinalikan muli.


Humarap kami sa mga tao sa harapan. Agad na hinanap ng mga mata ko ang mga magulang ko. Nakita ko sa mga mata ni Mommy ang pagkinang non, at si Pops na nakangiti pero nakaakbay kay Mommy.


Yung nag-iisa kong anak ay pagmamay-ari na ng iba mamaya. Naalala kong bulong ni Pops habang nagmamartsa kami patungo sa altar. Beach wedding ang theme ng kasal naming dalawa n Al. Sa Batangas namin ginanap kung saan may white sand. Hindi na ako nagdemand pa sa Boracay ganapin dahil baka mapagod lang ako at mapaano. Pinagsabihan na ako ng Ob-gyne ko na wag magpagod at magpakastress at baka maapektuhan pa ang baby sa tiyan ko.


Isa-isa nag nagsilapitan ang mga tao para magpapicture sa amin magmula sa mga magulang ko hanggang sa kaibigan ko. Konting lakad lang ay nasa reception na kami ng kasal kung saan nasa loob ng malaking kubo na gawa sa Bamboo tree.


Kumain muna kami bago sinimulan ang programa. Si Ann at si Bianca ang Host ng show habang si Leslie ang photographer at Alyssa naman ay tumutulong sa pag assist ng mga pagkain. Nagccater din kasi ang Restaurant na pinagtatabahuhan niya pag may time sila, napapayag naman niya ang boss niya  at si Charlyn naman  ang nag-ayos ng mga kantang pinatugtog kanina sa simbahan. Mga brides maid ko sila pero multi-tasking naman dahil sila na rin ang nagprisinta ng mga gusto nilang gawin kahit na ayaw kong tanggapin at gusto kong mag-enjoy lang sila ay kinulit ako ng kinulit hanggang sa pumayag ako.


Tumayo ako at nagpaalam kay Al na magpapalit lang ng Dress dahil init na init na ako sa whit gown na suot ko tutal nakapagpakuha na ang lahat at magdidilim na rin. Sinamahan ako ni Charlyn sa kwarto inokupa namin ni Al bago tinulungan ako ni Charlyn na isuot ang High Neckline Mini Beaded Applique Sequins Organza Cocktail Dress na inorder ko pa sa desinger na si Morri Lee. ¨Jasmin, una na akong lumabas sa'yo baka kailangan ako ng mga BAKA.¨ Paalam ni Charlyn sa akin habang ako naman ay nagreretouch ng make-up ko.

Sharap (Baka Girls #1)-CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon