Special Chapter 1

618 18 6
                                    

Special Chapter 1

¨Al!¨

¨Yes, Baby?¨

¨Pwede bang ipagluto mo ako ng Mechado?¨ ungot ko sa kanya. 5 months na yung tiyan ko pero naglilihi pa rin ako.

¨Sure, Baby. 'Yun lang ba?¨ nakangisi nitong tanong.

¨Tantanan mo ako, Al. Malaki na ang tiyan ko.¨Sabay irap ko sa kanya. Sa limang buwan naming pagsasama hindi pepwedeng wala kaming gawing kababalaghan.

¨Pwede pa naman diba? Sabi ni Doc kailangan daw yun para hindi ka mahirapan manganak. Alam mo namang ayokong nahihirapan kang manganak.¨ Hindi pa rin nawawala sa mukha niya ang ngisi nitong parang manyak.

Hinimas-himas ko ang nakaumbok kong tiyan. Nagugutom na ako pero yung lintik kong asawa puro kamanyakan ang inuuna imbes na ang anak niya sa sinapupunan ko. ¨Al, kumukulo na ang tiyan ko.¨ I pout. ¨Bilisan mo na, kailangan pa nating pumunta sa OB ko para magpacheck up.¨

¨Sige na nga. Kung di lang kita mahal.¨

¨Tse!¨ mabilis na sigaw ko sa kanya pero nakatalikod na ito. Nang mawala na siya ay hindi ko mapigilang mapangiti. Tumayo ako sa kinauupuan ko para pumunta sa salamin. Naka yoga pants ako at maluwag na tee.

Nawala ang mga ngiti sa labi ko. Malaki na kasi ang pagkakaumbok ng tiyan ko mas lalo pa itong lalaki sa mga susunod na buwan. Ang taba-taba ko na kaya hindi ko mapigilan ang hindi ma-insecure sa mga sexy-ng babae na nakikita ko o nakakasalubong ko. Paano kung makakita si Al ng iba? Knowing him? Napakahilig 'non lalaking 'yon.

Hinimas kong muli ang tiyan ko. ¨Baby, malapit ka ng lumabas and I can't wait to see you.¨ bumalik ulit ang mga ngiti ko sa labi pag naiisip ko ang baby ko na malapit ng lumabas. Ang limang buwan nga nakayang kong mag-antay sa apat na buwan pa kaya?

Lumabas na ako ng kwarto namin ni Al para puntahan siya sa kusina. Nakatira kami kay Mommy Mildred (Simula ng ikasal kami ay hindi na ito pumayag na tawagin ko siyang Tita.) Nagpasya na rin kami na sa kanya tumira dahil siya na lamang ang matitira sa bahay kung wala kami. Mabuti na rin 'yon dahil natuturuan niya ako sa gawaing bahay pero hindi ko din nagagawa dahil medyo maselan ang pagbubuntis ko. Pati na rin si Mommy at Daddy na halos araw-araw tumatawid dito para manggulo. Hindi ko naman sila masisisi dahil nag-iisang anak lang nila ako.

Nakamaternity leave din ako. Ayaw ni Al na magtrabaho ako pero pag nanganak na ako at lumaki-laki ang anak namin ay papayagan na rin daw niya akong magtrabaho. ¨Tapos ka nang magluto, Al?¨ Tanong ko sa kanya ng makarating ako sa kusina. Nakatopless na naman ito pero wala akong pakeelam dahil mas nasasabik ako sa niluluto niya. Naglalaway na ako dahil sa amoy.

¨Hindi pa, Madam. Five more minutes nalang.¨ Hindi ito humaharap sa akin. BASTOS! Palibhasa't mataba ako kaya hindi ako hinaharap pero nung sexy pa ako laging nasa akin ang mata niya.

¨Where's Mommy Mildred?¨ Tanong ko sa kanya pero patuloy pa rin ito sa paghalo ng mechado.

Sharap (Baka Girls #1)-CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon