2

1.5K 38 5
                                    

Pagkababa ko ng jeep ay agad kong nakita ang mga BAKA sa paboritong tambayan namin sa PANG PUGI-PUGI LANG.  Naglakad ako papasok sa loob non habang hindi pa nila ako napapansin na dumating na.  

"Hi, Miss Jas." Bati nung isang waitress, kung hindi niyo kasi naitatanong kilala na kaming mga BAKA dito at pinangalan na nila ang TAMBAYAN naming BAKA GIRLS VERSION 2.0 hindi ko lang alam kung sino ang nakaisip non. PURO KAGAGAHAN! Pero benta naman.  

Ngumiti ako sa babae at tumango lang bago nilagpasan siya. Nasabi ko bang medyo SUPLADA ako? Oh well, talagang SUPLADA ako sabi nila.  

"Hi girls." Bati ko sa kanila sabay upo sa upuan na para sa akin. "Kumain na kayo?"  

"Paano kami makakakain kung inaantay ka namin dahil ikaw nga ang sasagot diba?" Mataray na tanong ni Ann bago titingin-tingin sa kanyang Red nail polish. Problema kaya ng babaeng to?  

"Naubos na yung kamote kong baon kanina pa kaya di pa ako nakakakain ngayon." Agad na sinabi ni Charlyn nang tignan ko siya, binalik niya ang tuon ng pansin niya sa Librong hawak-hawak niya. NERD! 

"Kahit na HRM natapos ko at marunong magluto hindi ako kumain dahil sabi mo lilibre mo kami." Sabat ni Alyssa na ngayon ay nagtatype sa kanyang Laptop na dala, siguro may jowa tong poreynjer kaya nagchachat ngayon. Napangisi naman ako sa naiisip ko ngayon. 

Binalingan ko si Bianca na busy-ng-busy sa pagtetext sa kanyang Iphone6s, if I know poser lang naman yung kausap niya.  

"OO NA! SORRY NA! BAGAL NG JEEP EH. POTA TALAGA YON!"  

"Utot mo Jasmin!" Sabay-sabay na bigkas ng lima. Kawawa ako diba? Ang bully nila!  

"Mga hayup talaga kayo kahit kailan."  

"Nakakapagtaka lang bakit ka kaya naging guro kung ang bibig mo ay puro kabalastugan ang nilalabas." Si Ann. 

"Saan pa ba ako magmama? E di sa tulad mong SEXYTARY!" Sabay ingos dito.  

"Speaking of guro, How's your first class?" Singit ni Bianca. Inilapit niya ang mukha sa akin kaya agad ko yong tinulak ng daliri ko.. Natigil ang mga Baka sa mga ginagawa nila at ibinaling ang atensyon sa akin. 

"Ayon kamuntik na akong malate kanina bwiset na mga serial killers na 'yan hindi ko nalaman ang oras nawile ako sa panunuod." Reklamo ko sa kanila. 

"Wushu serial killers ka dyan if I know HENTAI ang pinapanuod mo." Pang-aalaska ni Bianca. 

"PUTANGINAMOTALAGABIANCAHAYUPKATALAGA!" Walang hingahang mura ko dito sabay tawa ng grupo. So, Araw ko pala ngayon?Araw ng pang-aalaska sa akin. 

"Pota ka talaga Bianca siguro naiinggit ka no? Manuod ka din kaya." Sabi ni Ann kay Bianca. "Wait may kulang pa sa atin? Nasaan na ba yon?" Binilang ko ang nasa table at kulang nga wala pa rin si Leslie. 

Sharap (Baka Girls #1)-CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon