28

442 23 41
                                    

Walang ideya ang mga paa ko kung saan ako pupunta. Sumakay lang ako ng trycicle at huli na nang mapagtantokong nasa tapat na ako ng Seda Centrio. 

Kinagat ko ang ibabang labi ko dahil nag-aalangan ako kung pupunta ba ako sa kanya o hinde.  Pinagkuskos ko ang mga palad ko at nag-isip. Pag nagpakita ako sa kanya malalaman niya ang problema ko? Kung hindi  naman, saan ako pupunta? 

Gabi na rin kaya nagsisilabasan ang mga tao dito sa Hotel o kaya naman ay nagsisipagbalikan na sa kanilang Room kung saan sila nakacheck in galing sa kung saang lugar.   

Nagtungo ako sa Elevator at naghintay pababa non para sumakay doon.  Nang tumunog iyon ay sumakay ako kasama ang iba pang mga foreigners na Tourist din dito sa lugar na to. Tahimik lang akong naghihintay na makarating sa 14th floor na to. Hinahanap kaya nila ako? Susundan ba ako ng mga pinsan ko dito? Ano nang nangyayari doon? May gagawin ba ang Lolo sa Mommy? Bakit tungkol sa pagpapakamatay ang sinagot ko sa kanila? Nahihibang na ba ako?  

Napukaw ako sa malalim na pag-iisip ng tumunog ang Elavator sensyales na nandun na ako sa tamang lapag na pupuntahan ko. Hindi ko napansin na mag-isa nalang akong dito sa loob. Dumeretso ako sa pang-apat na kwarto at mabilis na kumatok. 

"Al." Pangalawanag katok ko. Kumatok ulit ako bago sabay tawag sa pangalan niya ngunit walang nagbubukas ng pintong ito. Inipon ko ang kulot kong buhok sa kaliwang balikat ko bago inilapit ang mukha ko sa pinto para pakinggan kung may tao ba sa loob? Tulog na ba siya? Wala akong naririnig kahit kaluskos man lang. Nasan na yon? Kinapa ko sa bulsa ng short ko kung nandon ba ang cellphone ko para itext siya. Bakit hindi ko naalalang itext siya na pupunta ako ngayon? Nagmamabilis nga pala akong lumabas ng bahay kanina. Tinext ko siya na nandito ako sa labas ng kwarto niya pero ilang minuto na ang lumilipas ay hindi siya nagrereply. 

Napaupo na ako sa sahig sa ngalay na kanina ko pa nararamdaman. Nasan kaya ang lalaking 'yon? May lumabas mula sa pang limang kwarto na may tulak-tulak na cart at bumungad ang isang medyo katandaang babae na nakauniporme na kulay asul. Nagtatrabaho ata ito sa Hotel. Room Attendant ata. Binasa ko ang nakalagay sa tapat ng dibdib ng babae sa uniporme nitong puti na blouse. Seda Centrio  

Tumayo ako sa sahig bago inantay ang babae na naglalakad sa tapat ko.  "Hello, ahmm nakita mo bang lumabas ang naka check-in dito?" Tanong ko sa kanya.  

Maang tinitigan muna niya ako bago itinirik ang mata paitaas ng kisame. Inantay ko muli ang pagbalik niya sa akin ng tingin at ilang segundo ay nangyari nga yon. "Ah- opo. Kasabay ko silang bumaba kanina sa Elevator. Huling pagkakita ko po sa kanila ay dumeretso sila sa restaurant nitong Hotel. Bakit po?" 

"Sila?" Kumunot ang noo ko. Sa pagkakaalam ko kasama niya ako ng mag check-in siya dito at solo lang siya dito. Paano siya magkakaroon ng kasama? Sino ang kasama niya? "Lumabas sila ng kwarto?" Sumunod ko pang tanong. 

"Sorry po, Ma'am hindi po kami pwedeng magbigay ng iba pang impormasyon sa ibang tao."  

Tumaas ang kilay ko sa sinagot niya sa akin. Napakalayo ng sagot niya sa tanong ko. "Girlfriend kasi ako nung lalaking nakacheck in dito kaya nagtataka lang ako kung bakit siya may kasamang iba kung iniwan ko siyang nag-iisa. Aniways, wala kang kwentang kausap." Sabay talikod ko at sumakay sa mulang kabubukas na pinto ng Elevator.  

Sharap (Baka Girls #1)-CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon