16

710 27 34
                                    

Natapos ang flag ceremony ng lutang ang isip ko. Hindi pa nagpapakita si Al sa akin simula ng magkita kami sa bar at magdadate kami ni Sir Montello. Seryoso ba ang nangyayari ngayon? Yung Crush ko, niyaya akong magdate? Pero…nakauniform ako ngayon at pag salitang date ay dapat nakasexy dress ka na may kasamang killer heels. Bakit ngayon pa siya nagyaya? Hindi ako prepared!

“Magddate kayo ni Sir Montello?” Bumungad si Ma’am Em-em sa harapan ko habang nagbabasa ng librong binili ko dahil wala ngayon ang mga estudyante namin. Marahang tumango ako sa kanya at matipid na ngumiti dahil naiilang ako sa tingin niya ngayon. Akala mo siya pusa kung makatitig. “Bagay kayo.” Napangiwi ako sa sumunod niyang sinabi. Bagay kami? Bakit parang may pait sa kanyang boses habang sinasabi iyon? Tinalikuran na niya ako bago lumabas sa pinto ng classroom ko. Anong problema niya?

Natigil ako sa pagbabasa ng maalala na walang alam ang mga kaibigan ko sa Date na mangyayari mamaya. Sasabihin ko ba sa mga Baka ang date na mangyayari sa amin mamaya ni Sir Montello?

Sa huli ay napagpasyahan kong itext ang mga Baka ang tungkol sa date namin ni Sir Montello pero hindi nila ako nirereplyan.  MGA BASTOS!

Nang maglunch break ay napag-usapan naming dalawa na magkita nalang sa parking lot pagkatapos ng klase at rinig na rinig iyon ng mga kapwa guro namin kaya inulan kami ng tukso na galing sa kanila.

Inaantay ako ni Sir Montello sa parking lot ng school na pinagtatrabahuhan namin at mabilis ko siyang nakita dahil maliit lamang ang lugar na iyon at siya lang ata ang may sasakyan bukod sa service ng school. Matankad lang siya sa akin ng konti mga nasa 5’7 at ako ay nasa 5’3 lang kaya hindi ako nahihirapan na kausapin siya unlike Al nasa 6’flat ata ang height nito at nakatingala na ako pag kinakausap ang kupal na yon.

Sumakay kami sa niya na kulay dilaw. “Ito ang pinagkakagastusan ko ngayon dahil masyado siyang mahal. Jeep wrangler rubicon x ang tawag dito.” Paliwanag niya habang pinagmamasdan ko ang sasakyan niya. Ito din yung gamit niyang sasakyan ng ihatid niya ako at nang makita kaming dalawa ni Al. Masasabing may ibubuga din ito sa Hemera 2.0 eterniti super suv ni Al dahil sa napakaunique ng design niya at hindi basta-bastang Owner jeep lang na makikita mo. “Maganda to kung mawawala yung bubong niya kaya lang pagabi na at baka umulan mabasa ka pa at magkasakit ayokong mangyari yon.” Pumula ang pisnge ko sa banat niya. Bakit ganon pag siya ang bumabanat parang ang inosente ng dating niya at hindi mo bibigyan ng kahulugan pero pag si Al iisipin mo na puro kamanyakan at gusto ka niyang ikama kaya ganon? Ang laki talaga ng pagkakaiba nilang dalawa.

“San nga pala tayo magda- este kakain? Ako ang magbabayad ngayon para wala akong utang sayo.” Ako na ang nag-iba ng usapan para mawala ang pagkailang na bumabalot dito sa loob ng sasakyan niya. Kinagat ko ang ibabang bahagi ng labi ko sa isiping totoong magdadate kami ngayon.

“Huwag kang mag-alala makakatipid ka pag ako ang kasama mo.” Aniya.

Patuloy pa rin siyang nagmamaneho papunta sa kung saan at hindi ko alam na lugar. Hindi ako kinakabahan dahil sa laki ng tiwala ko sa kanya at alam kong wala siyang gagawin sa aking masama. Makalipas ang ilang mga minuto ay tumigil kami sa isang kulay berdeng bahay na puno ng mga tanim na halaman.”We’re here.” Pinatay niya ang makina at naunang bumaba para pagbuksan ako ng pinto. Si Sir Montello ay likas ang pagiging maginoo pero si Al? Maginoo pero medyo bastos ang ugali. Tigilan mo na ang pag-iisip sa kanya, Jasmin.  

Sharap (Baka Girls #1)-CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon