30

467 20 14
                                    

Binitawan ko ang kamay niyang nakadaop sa palad ko pagkapasok namin sa loob ng bahay. Tinignan ko siya, nandon pa rin ang gulat at pagtataka sa ginawa ko sa kanya. Ngumiti lang ako sa kanya ng mapait at iniwanan siya para umakyat sa kwarto ko. Hindi ako magsosorry. 

Bawat paghakbang ko ay ganon din ang paghakbang niya sa likuran ko. Alam kong naghihintay siya ng paliwanag sa ginawa ko pero ayoko munang kausapin siya dahil bibigay na ako. Konting-konti nalang.  

Pagbukas ko ng pinto ng kwarto ko ay pumasok na ako gayun na lamang ang pagkakita ko sa kanya. Hindi niya ako nilayuan bagkus sinundan niya ako. Hinayaan kong nakabukas ang kwarto dahil alam kong papasok din siya.  "Lumabas ka muna, please." Pumiyok ang boses ko. Kanina pa ako naiiyak sa harapan palang ni Al at bilib din ako sa tatag ko dahil namanage ko ang sarili ko sa kanya na walang bahid na sakit na nararamdaman. 

"Bakit mo ginawa yon?" Tanong niya. Nakatalikod ako sa kanya at nakaharap sa bintana kung saan tanaw ko si Al na nakatayo pa rin don at parang walang balak na umalis. Tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Bakit ba natin pinapahirapan ang mga sarili natin? Bakit gusto pa natin saktan ang mga sarili natin kung pwede namang idaan lang sa mabilis na paraan? Tulad ng pagkahulog ko sa kanya. 

Pinahid ko ang mga luhang tumagas sa mga mata ko. "Hindi ko gustong gawin yon sayo, Sir Montello." Hindi ko pa rin siya hinaharap dahil sa lalaking nakatayo sa tapat.  Kita ang ambon na tumutulo mula sa kalangitan mula sa mga bintana. Please lang Al, wag mo na kong pahirapan pa umalis ka na diyan dahil lumalakas na ang ambon at hindi ko kayng makita kang ganyan. Pero hindi ko kayang tanggalin ang mga mata ko sa kanya.  

"Rich."  

Hindi ko naintindihan ang sinabi niya. "Ayaw kitang paasahin, Sir Montello." Tinanggal ko ang mata ko kay Al at inilipat yon sa mga tiles na sahig ng kwarto ko. Bakit ko sinasaktan ang sarili ko? Nakakainis lang dahil parang nasa isa akong kwento ng isang libro na mas gugustuhin pahirapan ang sarili bago makuha ang Happy Ending niya pero sa kwento ko ay parang walang pag-asang magka happy ending dahil sa desisyon kong kahit na pwede pang itama ay madami nang magbabago pa. 

"Rich." 

"Sorry ginamit kita kanina Sir Montello. I had no choice, para lang itulak siya palayo."  Kinagat ko ang ibabang labi ko dahil naalala ko na naman ang mga mata niyang namumula na kanina dahil parang iiyak na ito sa mga sinasabi ko sa kanya. Sana mapatawad niya ako sa hindi ko pagbibigay sa kanya ng panahon at oras para lang sa paliwanag na gusto kong marinig pero natatakot akong malaman.  

"RICH sabi. Ilang beses ko ba dapat itama ka sa pagtawag sa akin?" Mariin niyang sabi. Ngumiti ako ng maliit dahil sa tono ng boses niyang tumaas ng konti. Tinignan ko ulit ang bintana ko kung nandon pa sya pero mas masakit nang makita kong wala na siya sa pwesto niya at nakatialikod na ito sa akin habang naglalakad palayo sa akin. 

"Sana itinama mo din ang lahat ng mga nangyayari." Mahina kong lahad. "Sana itinama mo ang gusto ng Daddy mo.  Sana itinama mo ang utos ng Lolo ko lalong-lalo na sana itinama mo ang desisyon ko." Lumalabo na ang paningin ko dahil sa MGA luhang humarang sa mata ko. 

"Hindi ko kayang itama lahat lalong-lalo na ang desisyon mo dahil gusto ko din 'yon." Humarap ako sa kanya. Nasa mga mukha niya ang pagiging seryoso sa sinabi niya wala ding mababakas ang ngiting gustong-gusto ko sa kanya. Kung sana pwede lang ilipat ang nararamdaman ko para kay Sir Montello ay mabilis ko nang ginawa. Nasa kanya na tutuusin ang lahat ng lalaking hinahanap ko pero hindi pa rin ako na-inlove sa kanya. "Jasmin, Gusto kita. Oo Mahal na nga ata kita." 

Sharap (Baka Girls #1)-CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon