Kabanata 9

39 8 0
                                    

A/n: GANYAN LANG UNG ITSURA NG SUSUOTIN NI KAYLA PERO UNG MUKHA HINDI GANYAN! AKO SI  KAYLA HAHAHAHAHA (ASSUMERA LANG)

--

Mabilis lumipas ang araw at ngayon nagalarm ako ng maaga dahil pupunta pa ako sa bahay nila Dion.

6am pa lang gising na ako kasi kapag 9am mag start ang event. Si Dedi na din ang bahala sa mga ingredients namin ang kailangan ko lang daw huwag maging sabaw sa harapan ng magulang niya.

"Oh Kayla aga mo nagising ah?" saad ni mommy na nasa dining nagkakape.

"Ah eh magluluto pa po kami ni Dion ng kareys sa bahay nila." magrereact na sana siya nang mag sign ako ng huwag na magsalita para hindi ako pagalitan ni daddy. Tumango naman siya kaya napangiti ako.

"Thanks mommae! Ligo na me mwaps!" kiniss ko pa si mommy sa pisngi dahil sa pagtatakip niya saakin.

Lord, sana po huwag ako maging lutang mamaya. Antok pa naman ako at kapag ganto ako kaantok hindi ko alam nagagawa ko. Huhu.

Naglalakad ako sa kanto ng village namin dahil doon naghihintay si Dion dahil sabi niya hindi daw niya ako hahayaan na magcommute magisa. Edi best friend award goes to Dion!

"Hi dedi good morning!" i said nang pagkapasok ko sa sasakyan niya.

He smiled, "Goodmorning dedi. Let's go."

Habang bumabyahe hindi ko maiwasan na hindi kabahan. Paano kung masungit pala magulang ni Dion? Paano kung matapobre tulad ni Dion? Bahala na nga.

"Relax. My parents are the best. Hindi sila tulad ng nakikita mo sa tv na masama ugali. And my kuya? Siya ang pinaka mabait at responsable saaming dalawa. He is everything."

"Nako dedi crush ko na ata kuya mo ah!" nakita kong nagiba ang expression ni Dion kaya natawa ako sakanya. "Joke lang! Ikaw lang crush ko yieee!"

"Foolish." napa buntong hininga siya, "By the way that glasses looks perfect on you. I like it." napahawak naman ako sa salamin ko. Wala naman kakaiba sa salamin ko at clear glasses lang naman ito na nabili ko sa sunnies.

"Thanks. Nagmukha akong matalino." natawa lang siya at kung ano ano pa pinagusapan namin hanggang sa nakarating kami ng bahay nila sa Lagro. Isang oras din tinagal ng byahe dahil sa traffic.

Pagkapark ni Dion sa bahay nila pinagbuksan niya ako ng pinto at pinisil niya ang braso ko. Ginagawa niya un kapag pinapalakas niya loob ko or di kaya trip lang niya kasi malaman ito.

"Come on in, dedi." pagka pasok ko sa bahay nila lumabas mula sa kusina mga magulang ni dedi. Ang weird kasi nagkukulitan silang magasawa at gulo gulo pa buhok ng nanay ni dedi. Inaayos naman niya buhok nito at ung daddy ni dedi inaayoa ung polo. Okay so weird.

"Ugh. That's gross." rinig kong bulong ni dedi tsaka lumapit sa magulang niya at bineso ito.

"Oh my god bunso di ka naman nagsasabi na nandyan na pala kayo!" saad ng mommy ni dedi. Napangiti naman ako ng tumingin sa gawi ko ung mommy ni dedi. Nag wave ako ng kamay.

"Goodmorning po Mr and Mrs Potenciana." hinila ako ng mommy ni dedi tsaka niyakap nagulat naman ako at napatili.

"Oh my sweetie you're so gorgeous! Huwag na Mrs tawag mo saakin, mommy Nadia na lang at daddy Eman ang tawag mo saamin."

"Ah-eh hehehe sige po?" naiilang ako kasi hindi ko inexpect na ganto ka warm welcome ang papakita nila saakin. Sobra sobra sa good!

"Mom! You're scaring dedi let her go jeez." hinigit ako ni dedi papalapit sakanya at inayos ang nagulo kong buhok. Nahihiya na ako kaya tinabig ko kamay ni dedi.

To Live With You [COMPLETED] Where stories live. Discover now