Kabanata 6

39 8 0
                                    


"H-huh? Tama ba narinig ko galing sayo Dion?" natawa siya saakin habang ako kunot pa din ako noo. Ginulo naman niya ang buhok ko at sinusubukan na subuan ako ng fluffy pancake niya. Hindi ko binubuka ang bibig ko dahil naguguluhan ako sakanya.

"Say ahh Deene. C'mon." kunot ang noo ko habang unti unting binubuka ang bibig ko. Napangiti naman siya nang nginunguya ko na iyon. "Sarap?" i nod.

"May sakit ka ba Dion? Anong nakain mo bat di ka na masungit saakin?!" hinawak-hawakan ko pa pisngi at noo ni Dion para malaman kung mainit ito pero it turns out na hinawakan niya ang kamay ko at ibinaba iyon sa lamesa.

"I don't know. Siguro sa nasabi mo saakin."

"Alin don? Ang dami ko nang nasabi sayo!" inakbayan naman niya ako at ung nakaakbay niyang kamay ang ginamit para subuan ulit ako ng pancake.

"Yung ang sarap kong asawahin. Finally, someone saw my worth." napa pout naman ako sa sinabi niya. Kaya siguro siya masungit kasi walang nakakakita ng halaga niya? Naguguilty tuloy ako kung paano ko siya sinumpa at minura ng ilang beses dahil sa pagsusungit niya saakin.

"Huwah! Sorry na Dion kung nasungitan man kita ah? Naniniwala ako sayo Dion at naniniwala ako sa tao na lahat tayo ay may halaga sa mundong ito. Lahat tayo may purpose na gaganapin sa buhay natin at dapat huwag mo iisipin na wala kang kwenta kasi walang tao na ganun!" inalis ko ang pagkakaakbay saakin ni Dion at niyakap siya ng mahigpit. Nagulat ata siya sa ginawa kasi di siya gumaganti ng yakap saakin. Pero di ako chansing ah! Gusto ko lang patunayan sakanya na di siya nagiisa sa mundong ito. "Sorry... Nacarried away lang ako hehe." umalis na ako sa pagkakayakap niya at tinignan siya sa mata. Brown eyes pala itong si Dion! Ang ganda.

"A-ang drama mo!" umalis siya sa upuan niya at pumunta sa ref at binuksan ito. Ang tagal niyang tumititig doon pero wala naman siya kinukuha.

"Ewan ko sayo! Simula ngayon magfriends na tayo sa ayaw at gusto mo."

Finally sinarado na din niya ang ref at pumunta sa kinaroroonan ko. "May choice pa ba ako?" napangiti ako sa sinabi niya. So ganun lang yun? Friends na agad kami? Naku kung gusto lang pala niya na sabihin ko na pede na siya magasawa edi sana iyon ang sinabi ko nung first day! Jusko.

"Ano work ng mommy and daddy mo?" i asked.

"My mom's an architect while my dad is an engineer."

"Wow! Kaya pala ganto kaganda ang bahay niyo eh! Eh ung kuya mo? Ilang taon na?" nagiba nanaman mood ni Dion sa sinabi ko. Ang moody naman nito!

"My brother's 25 taking law." nanlaki ang mata ko sa sinabi niya! Wow grabe naman itong pamilya na ito. Ang gagara ng mga tinatake na courses.

"Eh ikaw bat mo napili ang nursing?" i asked.

"Nursing is my pre med. After this I'm on my way to become neurosurgeon."

Hinawakan ko ang braso niya at hinimas-himas iyon at tsaka ngumiti, "I'm looking forward to that from now on, Doctor Potenciana."

"You're gonna be my assistant nurse in the future." ngumisi siya saakin at kinindatan ako. Haluh! Kinikilig ako... charot lang!

"Eneveeer!" tinulak ko siya pero gumanti siya saakin kaya tinulak din niya ako at nagtawanan lang kami.

Iyan ang nangyari nung pumunta ako kila Dion. Kung ano ano ginagawa naming kalokohan at puro tawanan ang naririnig sa buong bahay nila. Masaya kasama si Dion, malayong malayo sa kung paano ko siya i-judge nung first day. Ang ligalig ni Dion at gumaganti siya sa babae! Hayop na iyon kung manghampas kala mo wala nang bukas eh! Muntik na tuloy ako magkapasa.

"Rosa!" nakita ko si Rosa papasok sa gate kaya tinawag ko ito. Lumingon naman siya kung saan saan para tignan kung sino tumawag sakanya.

"Kayla ikaw pala tara sabay na tayo." tumango naman ako.

To Live With You [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon