Kabanata 15

32 2 0
                                    


"Sa tingin mo po ba kaya ko ibalik ang nakaraan para ayusin ang lahat?" sumimsim ako ng kape na tinimpla saakin ni ma'am Proserpina. Nasa office niya ako ngayon.

"Ano naman ang gagawin mo kung sakaling bigyan ka nga ng pagkakataon ni bathala?"

"Aayusin ko ang naging problema namin ni Rosa. Hanggang ngayon hindi niya pa rin ako pinapansin. Ilang beses ko na siya sinubukang kausapin pero tanging taboy lang ang natatanggap ko. Pati si Dion hindi ko na pinapansin baka sakali magkaayos kami ni Rosa. Hindi ko na alam gagawin ko ma'am...hindi ko na alam kung alin ba ang dapat kong gawin."

"Bakit mo dinadamay ang isang tao na wala naman ginawa kundi ang pagaanin at pasiyahin ka? Bakit mo kailangan isali si Dionysius sa away niyo ni Rosa gayong kayong dalawa ang may dapat na ayusin? Dahil ba sa tingin mo mas gagaan ang loob ni Rosa kapag ginawa mo iyon? Nagkakamali ka Deene, mas lalo mo lang pinapasakit ang damdamin ng kaibigan mo dahil kung totoo ngang gusto mo magkaayos kayo sana dati mo pa iniwasan si Dionysius. Ngunit hindi diba? Sa tingin mo bakit?"

Hindi agad ako nakasagot sa tanong saakin ma'am. Hanggang ngayon hindi pa rin ako sigurado sa nararamdaman ko. Pilit kong dinedeny sa sarili ko ang nararamdaman ko kay Dionysius dahil takot akong sabihin ito.

"Ano ba talaga ang tunay na nararamdaman mo kay Dionysius?" tanong muli ni ma'am.

"U-uh–" hindi ko na natapos sasabihin ko dahil tumunog ang bell hudyat na tapos na ang break. Tumayo agad ako at inayos ang gamit ko tsaka nagpaalam kay ma'am.

Habang pabalik ako sa classroom, naghihintay saakin si Dionysius sa pader. Naka sandal siya rito habang naka cross arms. Kunot ang noo nito pero nang makita niya ako nagiba ang timpla nito.

"Deene..." dinaanan ko na lamang si Dion at hindi ito pinansin. Ngunit hinigit niya ang braso ko ng sapilitan at iniharap sakanya. "Why are you doing this? Do you even realize that I'm hurting also? Well, baka hindi mo napapansin dahil sarili mo lang ang inisiip mo."

Pwersa kong inalis ang braso ko sa pagkakahawak kay Dion tsaka tinulak tulak ang dibdib nito. Paulit ulit ko lang ginagawa iyon hanggang sa magsawa ako. Kumawala na rin ang nagbabadya kong mga luha na kanina pa gusto pumatak.

"Hindi ko alam Dion, tingin ko maayos ko ung problema saamin ni Rosa kapag iniwasan kita. Kaibigan ko kayo parehas pero kailangan ko pumili ng isa."

"Pumili?! Are you thinking straight huh Deene? Bakit kailangan mo pumili saamin dalawa? Hindi ka na bata Deene para sabihin sayo lahat ng dapat mong gawin. Kaibigan mo kami pareho at wala akong nakitang kaibigan na namili. Maayos niyo rin ung sainyo, Deene. Bakit ba ganyan ka, unting ayaw lang susuko ka na agad. Hindi ka lang pinansin, aayaw ka na agad. Kung gusto mo talaga ang isang bagay Deene hindi mo mapapansin kung ilang beses ka na nag subok para lang maayos ung sainyo. Kung alam mong worth it siya ng sorry mo tatanggapin mo ang lahat ng binabato niya sayo. Grow up Deene hindi ka na bata."

Hindi agad ako nakapag salita sa sinabi ni Dion. Patuloy lamang tumutulo ang mga luha ko at wala na akong pakialam kung pagtinginan man kami ng mga tao dito.

Tinalikuran ko si Dion na walang sinasabing pabalik sakanya at sabay pasok na lang sa room namin. Hindi ko tinapunan ng mga tingin ang mga kaklase ko.

Sabay pumasok sa pinto sina Dion at Rosa. Hindi ako tinapunan ng tingin ni Rosa ngunit si Dion ay masama lamang ang tingin saakin. Isang malaking buntong hininga na lang ang pinakawalan ko at pumikit ng mariin para kalmahin ang sarili ko.

Sa mga oras na ito gusto ko na lamang mawala at pumunta sa lugar o panahon kung saan payapa ang lahat at walang problema na kinakaharap.

Ngunit, saan ang daan?

Kailangan ko umisip ng paraan para magkaayos kami ni Dion at Rosa. Tama si Dionysius na kapag gusto may paraan. Hindi ako susuko hanggat di ako napapatawad nina Dion at Rosa dahil alam ko naman na kasalanan kong lahat ito.

Natapos ang klase na wala akong naintindihan kakaisip kung paano ako makakabawi sakanilang dalawa. Naisip ko na uunahin ko ang saamin ni Dion dahil alam kong nadamay lamang siya sa away namin ni Rosa.

Agad kong sinundan si Dion patungong parking lot at tumakbo pa ako para maabutan ito.

"Dedi!" sigaw ko. Napahinto sa paglalakad si Dion at gulat na napatingin saakin.

Patuloy pa rin ako sa pagtakbo hanggang sa makarating ako sakanya at niyakap ito ng mahigpit. "Pasensya dedi. Kasalanan ko ito at hindi ko na ikaw dapat dinamay sa away namin ni Rosa. Nagsisisi na ako dedi di ko na alam–" hinawakan ni dedi ang labi ko kaya napahinto ako sa pagsasalita. Napangiti ako dahil nakita ko ang ngiti ni dedi mula sa mga labi niya na kay tagal kong hindi nasulyapan.

"Hush now dedi. I'm not mad at you. It's fine." niyakap ko muli si dedi ng mahigpit bago kumawala sakanya.

"May dapat pa akong puntahan dedi. Isa rin sa importanteng tao sa buhay ko."

"Nasa coffee shop si Rosa. Puntahan mo na bago mahuli ang lahat." tumango ako sa sinabi ni dedi tsaka tumakbo papunta sa coffee shop kung nasaan si Rosa. Hindi ko na kailangan tanungin pa kung anong coffee shop iyon dahil alam na alam ko kung saan iyon.

Nakarating ako sa paboritong coffee shop namin ni Rosa at nakita ko siyang taimtim na sinisipsip ang coffee habang nakatingin sa labas. Dahan-dahan akong pumasok sa coffee shop at habang papalapit na papalapit ako kay Rosa kumakalabog ng husto ang dibdib ko.

"Rosa..." panimula ko.

"Anong ginagawa mo rito, Kayla?"

"Alam kong galit ka saakin at ayaw mo akong makita pero nais ko lang manghingi ng tawad sa lahat ng nagawa kong mali sayo. Rosa you are my best friend at ikaw ang kauna-unahang nagparamdam saakin na hindi ako nagiisa. Alam kong nagkaroon din ako ng espasyo riyan sa puso mo dahil diba sabi mo para na akong kapatid sayo? Kaya lubos ang sakit na naramdaman ko nung nalaman kong kinukuha ko na sayo ang lahat. Maniwala ka man sa hindi, ayaw ko lahat ng iyon, Rosa. Kayang kaya ko ipaubaya sayo ang lahat kahit wala na matira saakin dahil mahalaga ka saakin, Rosa. Kaya kong magsakripisyo para lang sayo dahil mahal kita."

"Ang pagiging magkaibigan Rosa hindi iyon tungkol sa kung sino ang aangat o bababa. Hindi tungkol sa pakikipaligsihan kung sino ang mananalo o mas magaling. Ang pagkakaibigan ay tungkol sa handa kang iangat sa hirap na pinagdaraanan mo. Hindi yung hihilahin ka pababa para lang ikaw ang umangat. Ang magkaibigan ay nagdadamayan at inaayos agad ang problema. Mahal na mahal kita bilang kaibigan at bilang kapatid ko, Rosa. At pasensya na kung naramdaman mo na kinuha ko sayo ang lahat. Handa akong tulungan ka sa anumang problema na kinakaharap mo ngayon.  Patawad Rosa. Patawad."

Hindi nakapagsalita agad si Rosa sa sinabi ko at hanggang ngayon ay tila palaisipan pa rin sakanya ang lahat.

"Rosa.." magsasalita na sana ulit ako nang tumayo si Rosa sa kanyang upuan at niyakap ako ng mahigpit. Daig ko pa nanalo sa lotto nang malaman kong ayos na kami sa wakas ni Rosa.

"Patawad Kayla. Hindi ko dapat ginawa sayo iyon. Nilamon ako ng inggit at alam kong mali iyon. Mabuti kang kaibigan Kayla kaya huwag mo sasabihin na hindi ka mabuting tao. Pasensya dahil hindi agad ako nakinig sayo. Kundi lang sana ako kinausap nung kapatid ni Dion hindi ako malilinawagan sa lahat—"

"Teka teka, kapatid ni Dion? Si Cris?"

"Oo. Pinaliwanag niya saakin kung ano ang tama at mali sa nagawa ko. Parehas tayong may kasalanan Kayla dahil nawala ang ating komunikasyon at pagiintindi. Pero ngayon ayos naman na ang lahat."

Hindi ako nakasagot agad sa sinabi ni Rosa. Bakit mangingialam si Cris sa away namin ni Rosa? Bakit lagi na lang ba niya ako nililigtas?

Hindi ko na lang muna inisip iyon at nag focus ako sa pagbobonding namin ni Rosa. Marami kaming napagkwentuhan at puno ng tawanan ang coffee shop dahil saaming dalawa.

Sa wakas, maayos na rin ang lahat. Sana dito na lang nagtatapos ang lahat at wala ng sakit na nararamdaman.

---
Last 2 chapters na lang!



To Live With You [COMPLETED] Where stories live. Discover now