Kabanata 13

26 1 0
                                    


"Kayla matagal ka pa ba riyan? Hinahantay ka na ng daddy mo at para makaalis na kayo." sigaw saakin ni mommy.

"Wait!" sigaw ko pabalik. Inaayos ko kasi ung regalo ko kay Dion at binabalot ko pa. Sana magustuhan niya ito.

Lumabas na ako ng kwarto nang matapos ako sa pagbabalot. Naka suot lang ako ng halter top at shorts. Naka slides lang din ako dahil di appropriate ang mag sapatos sa pool party.

Naka suot din underneath saakin ang two piece. I'm not usually showy pero minsan naman kailangan natin makawala diba?

It's already 6pm in the evening and the party starts at 7. Pumasok na ako sa kotse namin at tinignan ang phone ko.

November 24, 2020.

Tinignan ko ang wallpaper ko at kami iyon ni Dion nung pumunta kami ng Megamall. Napangiti na lang ako sa kawalan dahil sa mga alalala na un.

"Hahatid ka naman ni Dion pagkatapos diba?" tanong saakin ni daddy.

"Yes. He promised."

"May relasyon ba kayo ni Dion?" napatingin naman ako kay daddy.

"Wala dad. We're friends. Best friends."

Nakita kong ngumiti si daddy at tumingin saakin saglit tsaka nagbalik sa daan, "Alam mo naman na ayos lang na magkagusto ka diba? Sabihin mo lang saamin at huwag ka maglilihim. Mabuting tao si Dion, Kayla. At kung nilalagawan ka niya ay aprubado ako."

Natawa naman ako sa sinabi ni dad. "Kaloka ka dad! Hindi ako nilalagawan ni Dion. But... Thanks dad."

"Ayaw kong maging mahigpit na magulang sainyo ng kuya mo, Kayla. Hanggat maari gawin niyo ang gusto niyo dahil kapag tumanda kayo minsanan niyo nalang magagawa ang mga bagay na nakagisnan niyo. Basta ang tatandaan mo lang ay ang limitasyon niyo."

"Thanks, dad." napangiti ako sa sinabi ni dad. Nakakatouch dahil kaunti na lang ang mga magulang na ganto. Na open minded sa mga bagay at pinapayagan ang mga anak nila na gawin ung gusto nila.

Hindi na ulit kami nagusap ni dad hanggang sa makarating kami sa bahay nila Dion. Bumaba na ako dahil nakasalubong ko si Rosa.

"Bye dad!"

"Enjoy sweetheart."

Lumapit na ako sa kung saan si Rosa. Nginitian ko naman siya at nahihiya pa siyang gantihan ito.

"Rosa sabay na tayo pumasok."

"Sige.." pagkapasok namin sa gate ni Dion napaka daming tao! Jusmiyo hindi ko alam na ganto pala kalawak circle of friends niya.

"Ang daming...tao." komento ni Rosa.

Namangha lang din ako dahil success ang decoration namin ni Dion! Inayos namin ito kagabi at sobra kami napagod dahil kami lang lahat nag decorate nito.

May mga nakasabit na mga lights sa taas at bumili pa kami ng lanterns para dagdag design.

Sa table ng food nilagyan namin ng scented candles at ilaw. Sa pool nandoon ang mga fun floats na binili namin. Gumagana rin ngayon ung slide nila Dion.

Hindi ko mahanap si Dion para mabigay ng personal itong regalo ko. Ang ginawa namin ni Rosa pumunta kami sa mga ka block namin para hindi kami nagiisa.

Nagkakatulukan na ung mga ibang lalaki sa pool. Ung mga babae naman mga naka two piece at nakikipag laro sa mga lalaki. Yung iba naman kumakain.

"Girls bihis na kayo!" saad ng kaklase namin.

"Ah nasaan si Dion?" tanong ko.

"Nasa kitchen ata. Kanina ka pa hinahanap nun Deene. Puntahana mo na." tumango ako at agad pumunta ng kitchen. Pagkadating ko doon walang Dion ang tumumbad saakin.

To Live With You [COMPLETED] Where stories live. Discover now