Kabanata 4

38 7 0
                                    


Mabilis na lumipas ang mga araw at tulad nga ng sabi ni kuya, walang pinapalampas na oras ang mga teachers dito dahil puro aral lang ang alam.

Mas mabuti na din iyon na may natutunan ka kaysa naman sa nasasayang ang tuition. Kaya ano pa hinihintay niyo? Tara na sa NRMF! Char not sponsored.

"Grabe mag first week pa lang tayo pumapasok pero akala mo nasa kalagitnaan na." reklamo ni Rosa.

"Huwag ka nang magreklamo dyan Rosa. Tara sa canteen kain tayo!" anyaya ko. Absent daw ang isa naming prof kasi may duty ito sa ospital. Ang sabi naman walang mag sub kaya heto kami free time.

"Osige kunin ko lang gamit ko." tumango na lang ako.

"Anong kwentong buhay mo, Kayla?" tanong ni Rosa habang papunta kami sa canteen.

"Gosh! Ma'am Charo is that you?" natawa naman siya at hinampas ako. Ang hilig niyang manghampas ah!

"Baliw. Gusto ko lang makilala ka nang lubos. Ewan ko kasi nung una kitang nakita ang gaan ng loob ko sayo at parang may nag uudyok saakin na kaibiganin kita. At nung nakakasama kita parang kapatid na ang turing ko sayo."

Napahawak naman ako sa dibdib kong flat,  "Aww Rosa na touch ako. Huhu tara nga yakap tayo." nagyakapan nga kami at para akong nakaramdam ng di malamang connection sakanya. Hindi ko masasabi na lukso ng dugo ito kasi magkaibang magkaiba ang itsura namin. Sisters from another mother ang nafefeel ko ngayon.

"So this is what it feels like to have a sister." kumalas na sa pagkakayakap si Rosa. And I saw teary eyes. "My baby sister died when she was 2 years old."

Feeling ko ay maiiyak na din sa sinabi ni Rosa. Gusto ko lamang siya yakapin ng mahigpit para pakalmahin. I'm not good at comforting people. Gusto ko lamang iparamdam sakanila na nandito ako at dadamayan sila. Bo words needed.

"I-im sorry to hear that..." she smiled through her pain and pat my shoulders.

"It's okay. Atleast i got the chance to have a sister." niyakap ko ulit si Rosa ng mahigpit. Ayaw ko nang tanungin pa kung bakit namatay ito. Baka kasi umiyak lang siya ng umiyak. I don't want her to cause any more pain.

"Deene." isang barintonong boses ng lalaki ang narinig namin kaya kumalas kami ng pagkakayakap ni Rosa.

"Dionysius." isang barintonong boses din ang ginawa ko para patas lang!

"Are you mimicking me?" inis na tanong niya.

"Hindi ah! Feel ko lang gayahin boses ng lalaki." tumawa ako to lighten the mood. Si Rosa naman di kumbinsido sa ginagawa ko.

"Whatever. Today's Friday so... After class meet me at the parking lot." after niyang sabihin iyon tsaka siya tumalikod saamin.

"Aye aye Captain Dion!"

Nakarating na kami sa canteen kaya pumipili na kami ng makakain. Hmm feel ko mag pasta today kaya iyon inorder ko.

"Huy! Anong meet me at the parking lot ang sinasabi ni Dionysius na yun sayo? Kayo ah!" nakaupo na kami sa upuan. Malamang sa upuan saan pa ba uupo? Duh.

"Ang dumi ng isip mo Rosa! Gagawin lang namin sa bahay nila ung pinapagawa ni Sir Lee."

"Hala eh bakit sa bahay pa? Pede naman sa Starbucks lang ah? Kami nga ng partner ko doon lang gagawin."

"Oh edi ikaw magsabi kay Dionysius na sa Starbucks kami." i rolled my eyes. Char! Maldita lang ang peg?

"Akala mo talaga papansinin ako non? In my dreams.." biglang nalungkot ang mukha ni Rosa. Oh wait, wag mo sabihin crush niya si Dionysius?!

"Ikaw ah... Crush mo si Dionysius noh?" nagiba agad expression ng mukha niya at napaltan iyon ng pandidiri.

"Yuck! Ayaw ko sakanya ang sama ng ugali."

"Asus! Mamaya ilalakad kita sakanya."

"Tala–eh bahala ka." pagsusungit niya saakin. Sus kilig ka lang Rosa eh! Hihihi.

"Samahan mo na lang ako mamaya sa parking lot. Tas tignan mo ung plate number ni Dionysius baka kasi di na ako makauwi ng buhay." natawa naman si Rosa tsaka tumango. Doon ko na lang isasagawa ang paglalakad kay Rosa.

Natapos kami kumain at ngayon last subject na. Halos lutang nga ako sa mga sumunod na subjects kasi iniisip ko paano ilalakad si Rosa kay Dionysius. Hays bahala na nga.

"Okay. Class dismissed." masayang nagsiayos ang mga kakalse ko dahil maagang nagdismiss si sir. Iba talaga kapag med school! Nag didismiss agad kasi may duty pa.

Umalis na agad si Dionysius kaya pinuntahan ko agad si Rosa at nagtatalon.

"Rosa tara na bilisan mo!"

"Atat lang, Kayla?"

"Sus kunwari kapa. Tara na samahan mo na ako. Para maaga ka din makadating sa partner mo."

Natapos na si Rosa sa pagaayos ng bag niya kaya dali dali ko siya dinala sa parking lot. This is it! Sana gumana ang naiisip kong plano para ilakad siya kay Dionysius.

Pagbukas ng elevator nandito na kami sa basement. Hinanap ko naman ung mukhang tigre na mukha at nang mamataan ko siya agad kong hinawakan si Rosa.

"Tara ayun si Dionysius!" naglakad naman ako papunta sakanaya. "Rosa, gayahin mo ang gagawin kong lakad okay? Pero dapat mas maganda sayo."

"H-huh? Anong gagawin natin?"

"Basta gawin mo lang tara na!" naglakad kami papunta sa direksyon ni Dionysius na parang Miss Universe ang dating. Gumegewang gewang pa ang balakang ko at nakita ko naman si Rosa na naguguluhan sa nangyayari.

"Umikot ka bilis Rosa!"

"H-hu–"

"IKOT NA!" Umikot naman siya at pumalakpak ako. Tinaas ko pa ang kamay ko at iwinagayway iyon kaya ginaya naman ako ni Rosa.

"What the fuck you guys are doing?" bungad saamin ni Dionysius na kunot na kunot na ang noo.

"Nilakad ko si Rosa sayo, duh!" i flipped my hair at di naman ginawa iyon ni Rosa kaya ako ang naghagod ng buhok niya. "Ayos ba?"

"What? Mukha kayong mga bakla na nangaakit ng customer. You guys look like snakes kung maglakad. Especially you, Deene. Dinamay mo pa sa kalokohan si Rosa." pinalo ko naman ang balikat ni Dionysius kasi sumusobra na siya!

"Ah–ah.. Kayla mauna na ako ah... Hinahanap na pala ako ng partner ko. Si-sige bye. Usap tayo bukas Kayla." nahihiyang sambit ni Rosa tsaka kumaripas ng takbo papunta elevator.

"Hindi ka ba nagandahan sa ginawa ko?" tanong ko kay Dionysius. Pinagbuksan naman niya ako ng pintuan ng sasakyan niya. "Ilang oras ko pinagisipan paano siya ilalakad sayo!"

Sumakay na din si Dionysius tsaka pinaandar ang makina, "That's not how you do it, Deene. Jeez."

"Talaga? Sorry na NBSB ako eh. Next time iisip ako magandang paraan paano siya ilakad sayo."

"Tss. You're such a nene." nakita kong gusto niyang tumawa pero pinipigilan lang niya. Kaya tinusoktusok ko tagiliran niya. "What are you doing?"

"Sus! Tumawa kana alam ko naman na natatawa ka sa ginawa namin kanina."

"Hell no."

"Asus. Pero mamaya itatawa mo din yan."

"Whatever."

"Ang sungit mo naman. Gusto pa naman kita maging kaibigan." okay. Di naman ako ganto mag approach ng tao na gusto ko silang kaibiganin pero remeber what i said kapag comfortable ako sa tao? Kay Dionysius comfortable ako. Kaya nakikita niya ang ka-hyperan ko.

"What part of you don't understand the words 'i don't like you'?"

"Bahala ka dyan. Pero feeling ko magiging kaibigan tayo. Tapos ilalakad na kita kay Rosa. Hihi."

"Whatever Deene."

Hmm. May bago ako naiisip ah. Next operation: Make Dion My Best Friend.

Makakayanan ko ba?

---

To Live With You [COMPLETED] Where stories live. Discover now