Kabanata 11

36 8 0
                                    


"Alright Deene 20 laps 5 sets of butterfly." tumango ako sa coach ko at nagsimula na lumangoy.

Buwan na ng October at sembreak namin ngayon kaya nag tratraining ako ng swimming. May school ako na sinalihan para mag training at nilalaban ako sa competition.

Sa Don Bosco ako nagtratraining at pagod na ako dahil simula madaling araw pa ako nagstart magtraining.

"Jusko! Di kona keri ang pagodness." tumigil muna ako pagkatapos ko ng 10 laps para uminom ng tubig.

"Mukhang di ka na sanay Deene ah. Nag eexercise ka pa ba sa umaga at sinusunod ang diet plan mo?" tanong saakin ni coach.

"Medyo po hehe." actually hindi talaga kasi paano ba naman si Dion sinisira ang diet plan ko. Lagi ako pinapakain.

Speaking of Dion, about sa nararamdaman ko sakanya napatunayan kong infatuation lang iyon. Hindi ko siya pinapansin para malaman kung gusto ko nga ba talaga siya at sumama muna kay Rosa. Pagkaraan ng ilang buwan na pangungulit niya doon ko napatunayan na di ko siya gusto.

"Go dedi! Wohoo!" ay nakalimutan ko pa lang nandito si Dion. He insisted na ihatid at sundo niya ako lagi kapag nag training ako. Mantakin mong gigising siya araw araw ng 5 o'clock ng madaling araw para lang masamahan ako at maghihintay siya sa initan na hanggang 12. Grabe ang effort niya para saakin.

Natakot daw si Dion sa paglayo ko sakanya kaya ginagawa niya para maging perfect best friend daw.

Natapos akong magtraining at paalis na kami Dion para kumain. Bigla naman ako tinawag ni coach kaya napahinto kami.

"Deene next week ang competition mo ah. Don't be late and bring home the bacon!" nginitian ko lang si coach at tumango. Pinagpatuloy lang namin ni Dion ang paglakad nang akbayan niya ako at inalog alog.

"Dedi loosen up! Araw araw ka na lang sabog at wala sa huwisyo. Are you okay? May sakit ka ba?"

Ewan ko dedi. Bakit ba naiilang ako kapag kasama ka? Diba sabi ko wala lang ito?

Pinilit kong ngumiti, "Nako! Gutom lang ito."

"Sige kakain tayo sa buffet!" binatukan ko si dedi dahil mukhang desidido siyang kumain sa buffet. "Aray! Kakain na nga tayo dedi wag ka nang magalit diyan."

"Dedi ah. Ano ba sinabi ko sayo tungkol sa pag gasta ng pera?" pinagbuksan ako ng pinto ni dedi nang makarating kami sa kotse niya.

"Huwag ubos ubos biyaya. Kapag may isinuksok–"

"May madudukot!" sinabayan ko siya sa part na yan para mas lalo niya ako maintindihaan. "KFC na lang tayo miss ko na dun eh."

"Psh. K." pinaandar na ni Dion ang sasakyan at pumunta sa madadaanan naming fast food chain.

Nang may mahanap kaming KFC agad akong bumababa agad dahil gutom na gutom na ako. Grabe ang pagod mag training!

"Dalawang iniwan please," kumunot naman ang kahera sa sinabi ko. "Hehe joke only! 2 A1 please." nang matapos mag bayad si Dion umupo na kami at hinintay ang order.

"Dion, let's talk." tumaas ang kilay ni Dion.

"About what?"

"Hindi naman pede na lagi mo ilalaan ung oras saakin. I get it you got scared kasi hindi kita pinansin ng ilang buwan pero hindi mo naman pede gawin ito araw araw. You got other things to do yet you're here stuck with me? It's not healthy."

"Yeah? And what do you think is healthy for me? It's sembreak Deene what else can I do besides being with you?" nagsisimula na akong mainis dahil hindi magets ni Dion ang punto ko. I tapped the table at magsasalita na dapat nang dumating ang order namin.

To Live With You [COMPLETED] Where stories live. Discover now