Kabanata 2

68 5 0
                                    


"Nena..."

"Huh nasaan ako? Sino ka?" nasa isang maliwanag na lugar ako. Wala akong makita kundi sobrang liwanag na ilaw.

"Nena magiingat ka..." sabi ng nakakabighani na boses ng babae.

"Ako po ba? Sino po ba si Nena? Kayla po pangalan ko."

"Malapit na–"

Nagising lang ako dahil sa sunod sunod na ingay ng tatlong aso namin sa labas. Ugh! Nanaginip ako ng payapa dito eh! I mean di pala payapa kasi ang weird ng panaginip ko.

Bakit ako tinatawag na Nena? Nene okay pa kasi iyon tawag saakin minsan dito sa bahay pero madalas naman iyon. Hmm baka kamag anak namin dati na di ko kilala tapos nagpaparamdam lang saakin? Aba kung ganoon parehas lang pala namin di kilala ang isa't isa!

Bumangon na lang ako tsaka lumabas ng kwarto. Patingin ko sa orasan 7pm na. Dalawang oras din pala ako nakatulog. I wonder kung nandito pa bisita nila ate?

"Oh Kayla kakain na ng hapunan wag ka na bumalik sa kwarto." ani mommy habang nagaayos ng pinggan sa lamesa.

"Mommy wala na sila ate?"

"May nakikita ka bang Kayleen dito sa bahay?"

"Ay wow ang sungit! Eh malay niyo po nasa labas lang."

"Wala na kanina pa sila umalis kasi daw may pupuntahan ung Cris. Mga 30 mins lang ata sila nandito."

Eh?! Sana pala di na lang ako natulog para nakita ko si Kristal at ate Kayleen. Panira kasi ung bisita na Cris eh. Pero hayaan na. Choice ko naman na matulog eh. #NoRegrets.

"Ah ganoon po ba.."

"Kayla ang gwapo nung Cris! Dapat nakilala mo eh." hagikgik ni mommy na animo'y kinikilig pa. Hala siya may daddy na siya!

"Gulo niyo din po noh? Sabi niyo wag muna ako mag boyfriend pero ayan kayo tinutukso ako." napa pout na lang ako habang tinutulungan si mommy na maglagay ng utensils sa pinggan.

"Syempre charot lang iyon nak. Oh tawagin mo na kuya at daddy mo." lumabas ako ng bahay at nakita ko silang nagaayos ng kotse namin.

"Kuya! Daddy! Kakain na!" sigaw ko.

"Sige papunta na." saad naman ni daddy kaya bumalik na ako sa loob ng bahay.

Habang kumakain kami tahimik lang ako habang nakikinig sa usapan nila. Di naman ako makarelate kasi pinaguusapan nila. Kaya tinuon ko na lang ang pansin ko sa pagkain.

"Kayla agahan mo gising mo sabay tayo papasok." saad ni kuya sa ma-awtoridad na boses.

"Sige 3 pa lang gising na ako." natawa ako sa sarili kong sagot pero si kuya mukhang nainis pa. Edi sorry!

"Alas cinco dapat gising ka na. Para makaalis tayo bago mag alas siete. Tagal mo pa naman kumilos." hala di ko kabisado kapag ganyang oras ang sinasabi eh! Sanay ako sa English time lang huhu.

Ang alam ko lang hanggang 1-6. Pero after non nagkakalito na ako sa oras ng 7-12. "Ah ano nga ung alas siete ulit?"

Kumunot naman ang noo ni kuya, "Nako Kayla simpleng ganyan lang di mo na alam paano pa kaya ang pagaaralan mo sa nursing?"

"Ang oa ah! Orasan lang po iyon. Kayang kaya ko pagaralan iyon. Tsaka isa pa don't test my science learning skills. Science ang pinakamataas kong subject noh!"

"Tama na yan. Basta Kayla anak, bago mag 7 dapat nakaalis na kayo kasi saktong 7 pasok niyo." ani daddy kaya tumango ako at nagpatuloy na lang sa pagkain.

To Live With You [COMPLETED] Where stories live. Discover now