EX # 5

63.6K 752 67
                                    

EX # 5 ANNIKA (December 14, 2003- Jan 1, 2004)



Pagkatapos ng masalimuot (hahaha.. gumagamit ng malalim na salitang mahirap i-spell) na relationship ni Jep kay Irish (at Raie), nag-lay low muna siya sa panliligaw.


By laying low I mean sa school.

 


Kalat na kasi sa school ang pagiging babaero niya, wala na ring may gustong magpaligaw siguro sa kanya nun (Matatalas ang dila ng barkada ni Irish at tiyak sangkatutak na tsismis din ang ipagkakalat nila sa kung sino mang liligawan ni Jep). Kaya pansamantalang hindi muna pumorma si Jep sa kahit na sino. Parang abstinence sa kaso niya.


Natiis naman niya, hanggang Christmas break. Nung magbakasyon sa neighbourhood yung pamangkin ni Aling Lengleng, si Annika.


Ang ganda rin naman kasi ni Annika. May dugong foreign, Irish ata yun, kaya porselana talaga ang kutis. Matangos ang ilong, matangkad. Pag ngumiti, hindi lubos, tipid lang. Pero sa tingin ko part yun ng charm niya.


Dangan lang kasi, hindi siya marunong mag-Tagalog, kaya siguro pakiramdam niya hindi siya nagfi-fit in sa lugar. Madalas siyang nakatambay dun sa playground malapit sa amin, nakaupo sa may swing at ang lalim ng iniisip.


Siempre entra si Jep.


Kasali na sa personality ni Jep ang pagiging sociable. Kaya nga marami siyang nabobolang babae, kasi magaling siyang magsimula at magmaintain ng kwentuhan. Hindi isyu sa kanya ang language barrier. Hinala ko nga, siguro kahit pipi kayang ligawan ni Jep. Ganun ka-extensive yung talent niya.



Si Jep lang ang nakita kong nakapagpangiti kay Annika nang buo.



Pagtapos nun, lagi ko na silang nakikitang magkasama. Si Annika, nandun pa rin, sa may swing, pero katabi na niya si Jep. Madalas ko silang nadadaanan lalo kapag nagbibisikleta ako papunta sa mini-grocery sa malapit, pag inuutusan ako ni Mommy na bumili ng kung ano.



Sa di malamang kadahilanan, kapag nadadaanan ko yung playground, sumisikip yung dibdib ko. Pagkalagpas ko, nawawala naman kaagad, kaya hindi ko na lang pinapansin.


Si Annika ang kasama ni Jep hanggang Pasko. Masaya naman si Aling Lengleng, kasi at least nakikipag-interact sa tao yung pamangkin niya. Siempre pinagbawalan si Jep na manligaw, pero ano pa nga ba? Nagsisimbang gabi pa silang dalawa (kahit na ang alam ko hindi naman Katoliko si Annika). Christmas romance lang talaga ang drama.

The Ex-Girlfriend ChroniclesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon