Burn Book ni Jep - Part 7, 2 of 2

42.4K 592 43
                                    

Burn Book ni Jep – Part 7, 2 of 2

Binasted ako ni Zai nun, kahit i-deny niya pa. Hindi imaginary yung ginawa niyang pagsaksak sa puso kong ulol na ulol na pinaniwala niyang may pag-asa sa kanya. May konting panghihimutok at bitterness. Matagal din bago ko nasabi sa sarili ko na, “Pre, ayaw niya talaga sayo. Pakamatay ka na.”

Hahaha.. joke lang yun.

Nalungkot ako, totoo yun. Pero eventually nakumbinsi ko rin yung sarili ko na baka nga naman hindi niya talaga ako gusto at kaibigan lang ang tingin niya sa akin. Unti-unti ko rin namang natanggap yun sa sarili ko.

Dun naman pumasok sa kwento si Gwen.

Naging magkaklase kami ni Gwen nung second year, around the time na hindi na ako masyadong kinakausap ni Zai.

Mabait siya at masarap kausap. Hindi mo aakalain kasi pag sa labas parang mahinhin at laging seryoso sa pagaaral, pero yung totoo, kalog din siya at medyo madaldal. Napaka-down to earth, considering the fact na ang ganda-ganda niya.

Maganda talaga si Gwen. Minsan nga nakakatuwa, para rin siyang si Zaira, hindi ata siya aware na maganda siya. Ang hilig pang mag-blush nun, pag sinasabihan ng maganda. Hindi ko alam kung bakit parang hindi pa siya sanay na nasasabihan.

Naging close kami ni Gwen nung school year na yun. Wala eh, yung mga pagkakataong medyo depressed ako kay Zai, siya lagi yung available na kakuwentuhan ko. Nakuwento ko nga rin sa kanya yung mga chick issues ko eh (pati yung chronic na pagnanasa ko kay Zai nalaman niya), tapos dinamayan niya lang din ako nang walang kasamang judgement.  Para siyang pumangalawa sa mga babaeng naging malapit sa akin (si Zai yung una). Friend lang, ganun. Hanggang sa ayun, nangyari na din ang sa totoo lang medyo inasahan ko na.

Umamin si Gwen sa akin na gusto daw niya ko. Alam niya na si Zai yung gusto ko, pero kung gusto daw niyang bigyan ko siya ng chance, baka sakaling madevelop yung feelings ko sa kanya.

Ok naman si Gwen eh. Yung totoo, para nga siyang ideal girl. Maganda, matalino, mabait, wala ka nang hahanapin. Gusto ko rin naman siya. Pero kasi yun ang problema, gusto ko siya. Hindi ko siya mahal.

Subukan ko lang daw, sabi niya. Malay ko daw ba.

May kinang pa nga sa mga mata niya nung sinabi niya yun, naluluha-luha, parang pulubing nagmamakaawa. Eh weakness ko pa naman yun, yung babaeng umiiyak.  Kung superhero ako, hindi mo kelangan ng magarang armas para talunin ako, tapatan mo lang ako ng umiiyak na babae siguradong tunaw na ko.

Subukan ko lang daw, sabi ni Gwen. Napa-oo naman akong wala sa oras.

***

Hindi ko pinaglaruan si Gwen ah. Nagseryoso din naman ako. Sa tingin ko naman ginampanan ko naman yung papel ko bilang boyfriend niya nang maayos. Minsan nga pag magkasama kami nakakaligtaan ko na rin si Zai.

Pero siempre, madalas sa hindi, si Zai pa rin ang laman ng utak ko.

Hindi ko alam kung sadya, pero nung time na marami nang nakakaalam na girlfriend ko na si Gwen, saka ko naman nakitang may talipandas na bumabakod kay Zaira.

The Ex-Girlfriend ChroniclesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon