Burn Book ni Jep - Part 2

47.7K 541 55
                                    

Burn Book ni Jep –Part 2

Walang halong biro, ang laking bogaloids ko talaga.

Kalain mo yun, kung ano-anong pasikat pa ang pinaggagawa ko, eh kung sinabi ko na lang sana sa kanya yung totoo nuon pa sana kami masaya. Kung di ba naman kasi ako pabidang tanga.

Galit na yata si Zai sa akin.

Nung makita ko yung mukha niya kanina, nung sinabi niya yung Tapos na ang ten minutes, parang nadurog-durog yung puso ko.

One chance.  I only had one small chance. And I really had to ruin it.

Napatingin ako sa Ex Girlfriend Chronicles. Nawala sa isip kong nadala ko pala to.

Binuklat ko ang pages. Grabe oh. Talaga palang nagsulat si Zai dito. Tinuloy niya talaga yung pagdodocument sa mga “babae” ko. Sinundan niya pa yung format ko dun sa mga nauna. Pero may mga dinagdag siyang side notes.

Ex #8 Erin (Start – End)

-          Nakakasilaw na legs

-          Bobo sa algebra

-          Two-timer

*Seriously, Jep? Legs?


Ex #9 Erich (Start – End)

-          Kambal ni #8

-          KAMBAL NI #8

-          KAMBAL NI #8!

*tsk tsk. Wala na kong masabe.

Ex # 10  Ysabelle (Start – End)

-          Supermodel, maganda, sexy

-          Ginawang alalay yung “kaguwapuhang” to.

-          Tinangkang “pagsamantalahan” daw si Jep.

*Oo na Jep. Wala nang makakakuha ng puri mo. :)

Ex # 11 Bethany (Start – End)

-          Maganda din. Maputi. May dimples pa.

-          Overly attached.

-          Stalker-ish.

*I’m not gonna lie dude. You deserved it.

 


Hanggang sa pinakahuling page, eto na lang ang nakalagay.

FVCK YOU JEFFREY YLAGAN.

 


Malalaking letra at parang mabubutas na yung papel sa sobrang diin ng pagkakasulat. Ramdam ko bawat diin ng letra. Ternong-terno sa murderous na hitsura ni Zai kanina.

Ito yung mga pagkakataong gusto kong kutusan ang sarili ko. Isang malaking kalokohan tong sinimulan ko. Mali, labing apat, labing apat na kalokohan na ginawa ko at pinasulat ko pa kay Zai sa papel para legit. Labing apat na pagkakamaling puwede namang hindi ko gawin pero ginawa ko, at ngayon hindi ko na alam kung papano ayusin.

Papano ko pa nga kaya aayusin to?

Tumayo ako sa pagkakaupo nang may mahulog mula sa may kandungan ko.

Retractable Pilot. Bolpen ni Zai to, naiuwi ko pa pala.

Pinulot ko ang bolpen at matagal itong tinitigan.

“Kung magpapaliwanag ba ko, tanggapin pa kaya niya?” muntanga kong tanong dito, na para bang naghihintay ako ng matinong sagot.

Pinindot ko yung dulo ng bolpen at inilahad yung Chronicles sa harap ko.

 

Nasimulan ko na rin lang. Bahala na.  

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Pasensya na po kung medyo sabog si Jep. hehe.. ipagpalagay na lang natin na sa mga pagkakataong ito magulo ang utak niya kasi ni-reject ni Zai yung proposal niya. (Yung totoo, kung kayo ang nasa posisyon ni Zai, papano kayo magre-react?)

 Sisimulan ko na po ang Burn Book ni Jep.Sana andyan pa kayong mga readers ko. :(

Aminado akong hindi talaga ako magaling mag-series. (Proof: Yung Chasing You na 100 years ko nang hindi ina-update kasi nag-stagnant na sa utak ko) Hulaan niyo kung saan ako kumukuha ng inspirasyon para sa kwentong to. Yep, sa readers pa rin. Sa mga sinasabi niyo, kahit gano ka-random, kahit na gano kawalang kwenta sa paningin niyo, yan ang bumubuhay sa kwentong to. Pag nababasa ko yung mga sinasabi nio, nabubuhayan ako ng pag-asang hindi ako crazy person na nakikipagusap sa sarili niya. Walang biro.  

Kaya tulungan niyo kong tapusin to guys! Kaya natin to! <3

The Ex-Girlfriend ChroniclesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon