The Ex-Girlfriend Chronicles: A History

53.2K 586 32
                                    

THE EX-GIRLFRIEND CHRONICLES:  A HISTORY

Nagsimula ang documentation sa isa sa mga Filipino periods namin. Noli at El Fili ang topic yata namin noon, at nagbigay ng trivia si Ma’am tungkol sa pinaka-favorite nating bayani.

Totoo naman daw na si Rizal eh remarkable naman daw talaga. Bata pa lang siya, alam na ng mga tao sa paligid niya, him included, na magiging matunog ang pangalan niya balang araw. Nung kaedad niya daw kami, malayo na ang itinakbo niya sa amin. Matalino siya, malalim mag-isip, rebolusyonaryo. Pero tao lang din. Hindi perpekto.

Isa daw sa mga pinakamalaking bisyo ni Rizal ay ang pambababae.

Dalawa lang ang renowned na naging girlfriend niya: si Josephine Bracken at yung first love niyang hindi ko na maalala ang pangalan, pero ang totoo niyan, marami pang iba na hindi nababanggit sa mga libro. Sa katunayan, sa dami daw ng babaeng nagdaan sa buhay niya eh pwede na daw gawan ng hiwalay na libro yung mga escapades niya sa mga babaeng ito. Iba-ibang nationality, iba-ibang edad, may mga magkakamag-anak pa, may mga pinagsabay-sabay pa siya.

Pansamantala kong kinalimutan ang inis ko kay Jep para tawanan siya. “Gawan mo kaya ng libro yung mga naging girlfriend mo. Jose Rizal ka pala eh.” Pang-aasar ko.

Nangiti lang siya sa akin. “Oo ba. Game.” Sabi niya.

Nilipat niya yung notebook niya ng Filipino sa isang malinis na pahina at nagsimulang maglista. Yun na ang pinagkaabalahan niya hanggang matapos yung period.

Nang matapos siya, inabot niya sa akin. “Oh, ikaw na magtuloy.”

Ang adik. Nakalista talaga lahat ng mga naging girlfriend niya. Kung pang-ilan sila, pati yung start at end ng relationship. Parang ganito..

EX #1 Zia (Date Started to Date Ended)

Maganda na rin.

May crush sa akin.

Malaking misunderstanding.

(next page)

EX #2 Aryan (Date Started to Date Ended)

Muse ng Section A.

Mukhang Koreana.

Masyado lang selosa.

 

(next page)

Puro ganun, nakalagay talaga lahat ng anim na naging girlfriend niya. Isang girlfriend, isang page.

Pero nagulat ako. May pangpitong pahina. Ang nakalagay:

EX #7 LIANNA (September 15, 2007 – September 25, 2007)

Maputi, maliit, sexy.

Pero hindi ko gusto.

Pinilit lang ako ni Zaira.  :D

Nakanganga lang ako sa last page nung magsalita ulit si Jep.

“So, what do you think?”

“Napaka-evil mo talaga. Pano pag mabasa ng mga ex mo to?” sabi ko, nailing.

“Eh hindi ko naman ipapabasa sa mga ex ko eh. Sayo lang. Ang astig noh? Ex-Girlfriend Chronicles ni Jeffrey Ylagan. Baka bumenta yan balang araw, Zai. Dali, itago mo na.”

Napailing ulit ako. Nakanganga pa rin sa last page kung saan nakalagay yung mga salitang Pinilit lang ako ni Zaira.  Siraulo talaga tong Jep na to. Dali-dali kong tinago ang notebook bago may iba pang makakita.

“Ikaw na magdagdag diyan ha,” sabi niya.

Aba malay ko bang seryoso siya nung sinabi niyang dadagdagan ko pa.

“Itago mo yan ah. Balang araw, hahanapin ko yan sayo.” Nakangisi siya sa akin.

Umiling-iling ako. Hanggang ngayon, iniisip ko kung bakit ko ba sineryoso yung sinabi niya. Kung bakit ginusto kong itago yung listahan niya ng syota kung saan wala naman yung pangalan ko. Kung bakit ko masugid na nilista lahat ng mga syota niyang nagdaan pa pagkatapos nun. Kung bakit ko siya gusto, kahit na mayabang siya, babaero siya, at siraulo.

Hindi ko alam. Wala akong maisip na dahilan.

The Ex-Girlfriend ChroniclesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon