Burn Book ni Jep - Part 14

39.3K 548 58
                                    

Burn Book ni Jep – Part 14

Alam mo ba kung gaano kahirap maghanap ng babae na nagsisimula sa Ñ ang pangalan? Pwes sasabihin ko na sayo ngayon, MAHIRAP. Antagal kong naghanap, nagtanung-tanong na nga ako sa lahat ng kakilala ko. Baka may kakilala sila, kaso wala eh. Yung dalawang babaeng friend na kinausap ko, wala ding Ñ yung pangalan nila. Pahirapan lang.

Ewan ko, naging bisyo ko na ata ang pagbuo ng pangalan niya.  Astang may OCD lang, hindi maisasaayos ang mundo kapag hindi ko mabuo yun. Magugulo yung pinakamagandang love confession sa balat ng lupa. Nandun na lang din ako, kaya pinanindigan ko na.

So. Technically, hindi ko naging girlfriend si Niña.

Student assistant siya sa third floor library, nandun sa may Baggage Counter. Medyo benta si Niña sa mga kapwa ko IT. Maganda kasi eh. Payat na singkitin, mukhang Koreana. Ang sipag nga ng mga ugok na mag-Library, para lang masulyapan siya at mabola-bola. Kaming dalawa ni Niña, isang beses lang kaming nakapag-usap.

Ako: Miss, may kukuhanin lang ako sa bag ko.

Siya: Pa-pirma lang po dito sa logbook.

Oo. Oo na. Hindi ko talaga siya naging syota.

Eh desperado na ko nun eh. Antagal ko nang hindi nakikita si Zaira. Kaya ayun, gumawa na lang ako ng isang elaborate na kwento tungkol sa pretend girlfriend kong si Niña na may Ñ sa pangalan. What she doesn’t know won’t hurt her, sabi nga nila. Pasensya na. Miss ko na talaga siya nun eh.

Kaya nga medyo tense ako nung nagkita kami. Hindi ako kumportable (at sa totoo lang, hindi din ganun kagaling) na gumawa ng kwento, kaya hindi ako masyadong makapag-share kay Zai tungkol sa recent “escapade” ko. Ang hirap palang magpretend na nagka-girlfriend ka kahit hindi totoo. Papano kaya nalagpasan to nung mga babaeng nagclaim na boyfriend daw nila ako?

Niyaya ko si Zai na manuod ng sine para may mapagkaabalahan kami at hindi siya masyadong magtanong. Kaso nung natapos yung pelikula, hindi ko na maiwasan yung tanong niya.

“So..sinong recent victim mo?” tanong niya. Nagjoke pa nga ako ng sagot, sabay subo ng kanin para may time akong mag-isip. Dali Jep, imbento. Nahagip ng mata ko yung poster na nagsasabing pupunta daw si Alodia sa SM next month.

“Ah.. nagcocosplay.” Sagot ko sa kanya. Buwisit. Lang kwenta.

Nangunot ang noo niya. “San mo naman nahagilap yun?”

“Hehe..” sabi ko. “Sa school.” At least yun totoo. “Mabilis lang kami nun. Less than a week.”

Subo ulit ng kanin. Marami, para matagal ang nguya.

“Yun na yun? Wala nang kwento?”

Nagkibit-balikat ako. Putek, subo pa.

“Uy kamusta pala yung kay Bethany? Tinetext ka pa rin?”

The Ex-Girlfriend ChroniclesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon