Burn Book ni Jep - Part 9

39.6K 441 30
                                    

Burn Book ni Jep – Part 9

O Kung Paano Nagsimula ang Chronicles na Pinauso ni Jep Ylagan, All Rights Reserved.

 

For the record, aksidente lang talaga ang pagkakadiskubre ko sa initials ni Zai na nakapaloob sa mga naturingang ex ko…nung simula. Biruan lang namin ni Zaira yun (ang kyut no, may private jokes kami. :D), nung dini-discuss sa klase si Rizal. Nag-dare siya sa akin na gawan ko daw ng libro yung mga naging “syota” ko. At dahil labs ko siya..tsaka tinatamad na akong makinig sa klase, yun na lang ang pinagkaabalahan ko. Nilista ko yung mga babaeng na-link sa akin in the past, para masaya, nilagyan ko pa ng duration at description. Yun ang pinagkaabalahan ko buong period.

Nung matapos ko na, binalak kong gawan ng table of contents sa harapan. Nilista ko lahat ng mga pangalan.

1.       Zia

2.       Aryan

3.       Irish

4.       Raie

5.       Annika

6.       Gwen

7.       Lianna

Watda.. ZAIRA yun ah. Kung pagsasama-samahin mo yung mga pangalan nila, pangalan niya ang nabubuo.  Natawa na lang ako sa sarili ko. Anong kababalaghan to?

Muntangang buong araw akong nag-reflect sa ibig sabihin ng nadiskubre ko.

Unconsciously ba, yun ang ginagawa ko, binubuo ang pangalan niya? Paraan ba to ng tadhana para sabihan ako ng, “HOY JEP UMAYOS KA NA PARA KAY ZAIRA.”? Sinasabihan ba ako ni Lord ng “Sige lang anak. Magpraktis ka pa. Pag nabuo mo yung pangalan niya, magiging handa ka na.”?

Pagtatawanan niyo ko, pero yun ang pinaniwalaan ko. Na kapag nabuo ko na yung pangalan ni Zai, maisasaayos na ang lahat, magiging perpektong lalaki na ako para sa kanya.

Medyo duwag, medyo tanga, at medyo wala pa kasi akong tiwala sa sarili ko nun. Si Zaira, tinuring ko siyang parang mamahaling figurine, na takot na takot akong hawakan kasi baka mabasag ng mga kamay kong walang alam. Baka sakaling pag marunong na akong humawak ng ibang figurine, hindi na ako matatakot na mabasag siya. Baka sakaling pag nagka-girlfriend at nakipag-relasyon ako nang maraming beses, magkakaroon na ako ng sapat na lakas ng loob para magtapat kay Zaira. Butas-butas yung logic, pero yun talaga yung pinaniwalaan ko.

Pagkatapos ng klase, inabot ko kay Zaira yung notebook. Nung binuklat niya, abot-abot yung kaba ko kasi akala ko mapapansin niya.

“Napaka-evil mo talaga!” bulalas niya. Hindi niya nakita yung nakita ko. O siguro nga, hindi pa siya handang makita.

“Itago mo yan. Balang araw, hahanapin ko yan sayo.”

At yun na.

Dun na nagsimulang naisulat ang pinakamahabang love letter sa balat ng lupa.

(Tawagin ang Guiness. Baka sakaling bumenta.) 

The Ex-Girlfriend ChroniclesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon