Ikaw pa rin - 6.

249K 2.9K 395
                                    

Christian's POV 

2 weeks. 2 weeks na ang nakalipas simula nung nakausap ko siya. Tapos nun? Wala na. 

Siguro nagtataka kayo kung pano ko nalamang mahal ko pala siya, no? Ganito kasi yun..

*Flashback: 2 years ago.  August  11, 2010*

Wednesday ngayon. Uwian na at kasabay namin sila Trish. 

Nagtataka ba kayo kung bakit di si Erika yung kasabay ko? Wala lang. 

Palakad na kami papuntang jeep. HHWW nga kami ni Trish eh. Bat ba? Kinikilig ako eh. :P 

Nakasakay na kami ng jeep at may nakita ko siya na nakatayo dun sa malayo. Nakatingin siya samin. Ngumiti siya... Isang ngiting punong puno ng lungkot. 

 

Bago ako pumunta kela Mikee, tinawagan ko siya.

(Calling Baby...)

(Hello?)

"Erika, can we talk?"

(About what?)  Ang cold ng boses niya. 

"Let's meet at the park. Now."

(Kbye.)

"Wait! I'm----*toot. toot. tooooot*  Binaba na niya agad. Di man lang niya ako pinatapos..

- Park -

Andito ako ngayon sa park ng subdivision namin. Oo, nasa iisang subdivision lang kami ni Erika.

Nakaupo ako dito sa bench sa ilalim ng puno. Ang favorite spot namin. Nakikita ko na siyang naglalakad papunta dito.. Pero bigla akong tumayo at nagsalita.

"Erika, sorry." 

"What?! Why?!"

"Sorry." Bigla ko siyang niyakap. Ewan ko pero...

 

"Break na tayo, Erika.." Sorry. Sorry.

"HA?! A-ano. T-teka. Bakit?!" 

"Wala lang." Cold na pagkakasabi ko. 

"Pwede ba yun, Christian?! ANONG WALA LANG?!" Kinagat  niya yung labi niya para mapigilan ang mga luha niya.

Nakakainis. Ayokong nakikita siyang ganyan. Ayoko ng patagalin pa to.

"HINDI NAMAN KASI KITA MINAHAL, MAHAL AT HINDI KITA MAMAHALIN! PINAGLARUAN LANG KITA, OKAY? NILOKO KITA! KAYA PAKAWALAN MO NA KO!" Totoo naman eh. Hindi naman talaga. Sinubukan ko naman eh.. Pero, wala talaga. Osige, alam kong galit na galit kayo sakin. Niligawan ko lang naman siya nun dahil gusto ko eh. Wala lang, chikboy nga diba? 

Pero hindi ko kinaya na hindi magsorry. Umiiyak na siya..

"So-sorry Erika. Hi-hindi ko sinasadya." Hahug ko sana siya, kaso bigla niyang tinapat sa mukha ko yung kamay niya na para bang nagsasabi na 'huwag-na' .

Ikaw Pa Rin (Published under Pop-Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon