Ikaw pa rin - 44

99.6K 1.5K 305
                                    

Erika's POV 

Now I'm pacing back and forth. I don't know what to do. Nagising na lang ako ngayong araw na parang may...... mali. 

It's been 2 months since we got home from Baguio. Christmas and New year has passed and I can say that those days were great. Lagi kaming magkasama ni Chris noong bakasyon, talagang hindi mo kami mapapaghiwalay.

We also celebrated our 3rd monthsary last January 8, 20xx. Can you believe it? Naka-three months na agad kami! Noong October 8, 20xx yun yung araw na nakiusap sakin si Chris na maging girlfriend niya(hindi ko talaga alam na yun pala yung araw na yun, sinabi lang sakin ni Chris). Nagulat talaga nung malaman ko yung date nung araw na naging kami. I mean, destiny diba?

Tuwang tuwa talaga ako nung malaman ko kung ano yung gift sakin ni Chris sa 3rd monthsary namin. Naeexcite kasi talaga ako. Nung first monthsary namin, niregaluhan niya ako ng yellow LV bag.

Nung second monthsary naman namin, niregaluhan niya ako ng 2 tickets to Singapore. Samantalang ako naman eh, niregaluhan ko lang siya ng ticket sa isang concert na gustong gusto niya at shoes. Hehe.

Tapos netong 3rd monthsary namin, niregaluhan niya ako ng iPhone. Bumili din daw siya para parehas kami. At, hindi lang yun yung regalo niya sakin. Binigyan niya rin ako ng 2 tickets sa concert ni Justin Bieber. Eto pa ang sinabi niya sakin nun: 

"Ayan ha. Kahit labag sa loob kong panuorin yang concert ng mokong na yan, binili ko pa rin yung ticket na yan. Mahal na mahal kita, eh."

Napapatawa na lang talaga ako pag naaalala ko yun. Sweet Chris is sweet! 

Magkasama rin ang family namin noong Christmas at New Year. Ngayon ko lang nga nalaman na super close pala talaga ng family naming dalawa. Maski yung mga pinsan ko, eh close din sa mga pinsan ni Chris. 

I sigh and stop walking. Humarap ako sa pintuan ng office ni Daddy. Pinihit ko paikot yung door know at pumasok. I saw him seating in his swivel chair. I sighed, again. Feeling ko talaga, may mali eh. 

"Hi dad."  Lumakad ako papunta sa kanya at kiniss siya sa cheeks. He smiled to me. 

"Chandria, mabuti naman at nandito ka na." Tumango lang ako at umupo sa harapan niya. "Pwede bang humingi ng favor?" Tumango ako sa kanya. Huminga ng malalim si Daddy at yumuko. Tinitigan ko lang siya at hinihintay kung ano ang sasabihin niya.

Pinagsalikop ko ang mga daliri ko. Sa totoo lang, kinakabahan ko. Minsan lang humiling si Daddy sakin kaya hindi ko siya matatanggihan.

"I'm sorry, princess... But, you have to marry your childhood friend." Parang gumuho yung mundo ko ng sinabi sakin yun ni Daddy. 

Napaawang yung bibig ko. Shocked.

He loves me, right? They love me, right? Pero bakit ganun.... bakit kailangan tong mangyari? Napailing ako. Hindi ko alam na totoo pala yung mga Arranged Marriage na yan. I mean, its so cliché. At hindi naman talaga ako naniniwala sa mga ganun pero ngayong nangyari na to sakin..... Shet. 

Mas lalong gumuho ang mundo ko at nadurog ang puso ko sa sinabi niya, childhood friend daw diba? Napaisip ako... Isa lang naman ang childhood friend ko. Si Enrique. We met in Canada when I was 9 years old. And the rest was history. 

"No, I can't Dad! I can't!" Sabi ko at tumakbo palabas sa office niya. 

Narinig ko pang may sinigaw siya pero hindi ko narinig. Pumasok ako sa kwarto ko at kinuha yung bag ko. Kailangan kong makusap si Quen. 

--- 

Albert Santiago's POV 

Napailing na lang ako sa inasal ng anak ko. Kinuha ko yung cellphone ko at tinawagan ang matalik kong kaibigan.

(Oh pare! Ano ang atin?) Masayang masaya na sabi niya. 

Hindi ko magawang ngumiti kasi baka kamuhian ako ng aking prinsesa, si Erika Chandria. Hindi ko ata kakayanin na kamuhian ako ng anak ko.

"Hindi siya pumayag." Sagot ko.

(What?! Sigurado ka ba diyan?!) 

Nagbuntong hininga ako. Eto ang pinaka-magandang gawin para kay Chandria. Eto lang ang paraan upang makabawi ako sa kanya. 

---

Erika's POV 

Huminga ako ng malalim at pinahid ang mga luha ko. Hindi ko na talaga kaya. Kumatok ako. Ilang sandali pa, bumakas agad iyon.

Tumingala ako sa kanya at sumingahap. 

"Chris!" Sabi ko at yumakap sa kanya. Niyakap niya rin ako pero bakas pa rin sa mukha niya ang pagtataka. 

"Baby? Bakit umiiyak ka nanaman?" Sabi niya sabay haplos sa buhok.

Umiling iling lang ako sa kanya at umiyak lang sa dibdib niya. 

"I love you.... no matter what." I murmured. 

He kissed the top of my head. "I love you more baby."

_________________________________________________

VOTE and COMMENT :) I need theeeem. 

Ikaw Pa Rin (Published under Pop-Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon