Ikaw pa rin - 55

84.8K 1.7K 277
                                    

This will be the last chapter. Hintayin niyo na lang po yung epilogue naipopost ko din soon :) Salamat po sa lahat ng sumuporta sa Ikaw Pa Rin. Sana po ay suportahan niyo rin ako sa The Back-up Plan at On Thin Ice.

_______________________________

Erika'sPOV

Napabangon ako nang makarinig ako ng pagdoorbell. Tumingin ako sa side table. 6 pa lang ng umaga ah? Sigurado naman na hindi iyon sila Mang Carding.

Dahan dahan kong inalis ang kamay na nakapulupot sa bewang ko. Mahimbing ng tulog ni Chris at ayaw ko pang gisingin siya.

Hindi pa rin talaga ako makapaniwala sa mga nalaman ko. Sa simula pa lang, magkakaibigan na pala kami nila Diego. At kahit maghiwa-hiwalay kaming apat, talagang pinagtatagpo pa rin talaga kami. Hindi ko maiwasan isipin sila kuya Peter. Kamusta na kaya sila? Buhay pa ba sila? Sana.

Mabilis akong nagayos ng sarili at bumaba na.

Huminga ako ng malalim at binuksan yung pinto. Nanlaki ang mata ko at umawang ang bibig ko. Anong ginagawa nila dito?

"My princess." Sabi ni Daddy. Inilahad ni Daddy ang kanyang braso at naghintay. Ngumiti ako at niyakap siya. Kahit nagtatampo ako sa kanya, eh namiss ko pa rin siya.

Kasama ni Daddy si Julia at Diego. May kasama rin siyang mga bodyguard, syempre.

"Sorry daddy." Mahinang sabi ko habang yakap niya pa rin ako.

"Its okay, princess. I understand."

Humiwalay ako sa pagkakayakap ni Daddy at tinignan ang mga kasama niya.

"Where's mommy and kuya?" Tanong ko.

"Canada. Inaasikasokasinilaang company." Sagot ni Daddy at ngumiti. I nod.

Niyakap rin ako ni Julia at Diego nang bumaling naman ako sa kanila. Ngumiti ako at pinapasok sila. Tinitigan ko silang dalawa ng habang papasok sila sa bahay.

Natutuwa na nalulungkot ako para sa kanilang dalawa. Natutuwa ako dahil magkasama na ulit silang dalawa, katulad namin ni Chris. Nalulungkot dahil hindi na sila ganun ka-close. Kung nung dati, nung una ko silang makilala, magkahawak ang nga kamay nila at parang ayaw bumitiw sa isa't isa. Pero ngayon, makikita mo yung malaking space sa pagitan nila. Siguro ganun talaga, no? Hindi maiiwasan magbago ang mga tao.

"Chris is still sleeping po, eh." Sagot ko kay Daddy nang nagtanong siya tungkol kay Chris. "Puntahan ko lang posiya at gigisingin na rin."

Tumango lang sila si Daddy na ngayon ay may kausap sa phone. Siguro ay nagpaorder na siya ng pagkain.

Agad naman akong umakyat at pumunta sa kwarto kung saan natutulog si Chris.

Umupo ako sa gilid ng kama at tinitigan siya. Mukha talaga siyang mabait pag natutulog, parang wala siyang kalokohan sa buhay. Ngumiti ako habang hinahaplos ko ang buhok niya. Tumingin naman ko sa mga mata niyang nakapikit at hinawakan ang eyebags niya. I giggled. Hanggang ngayon, hindi pa rin yun nawawala.

Ikaw Pa Rin (Published under Pop-Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon