Ikaw pa rin - 38.

130K 1.7K 345
                                    

Malapit na mag 2M ang IPR! :))) Waaaahhhh! Salamat guys! :) 

Sorry sa mga typo :) 

=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=

Christian's POV 

Naglakad kami patungong gym. Sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko. Nanginginig din siya. 

Mabilis ang lakad ko dahil ayokong matakot siya. Nang makarating kami sa gym, busy pa rin ang mga classmates namin. Pero wala dito sila Diego. Mokong na yun. Humanda siya sakin pag nakita ko siya. 

"Hi JC! Hi Erika!" 

"Uy! Nakabalik na pala kayo." 

"Nasan yung iba? Diba kasama niyo sila?" 

Tumingin lang ako sa kanila at tinanguan. Naramdaman siguro nilang may kakaiba kaya ngumiti lang sila sakin. 

Hinila ko si Erika papunta sa mga gamit namin. Kinuha ko yung isang sleeping bag at nilatag ito ng hindi ko binibitawan yung kamay niya. 

Umupo ako at nakatayo lang siya. Tsk. 

"Baby, halika dito." Sabi ko sabay tapik sa tabi ko. Umupo naman siya. Pinulupot ko yung kamay ko sa bewang niya. 

"Tara na, tulog na tayo?" Sabi ko at tumango lang siya. Aish. Hindi pa rin to nakaka-get over. 

Humiga siya at humiga rin ako sa tabi niya. Tatabi ako sa kanya matulog kasi alam kong takot na takot to.

"Chris...." Sabi niya at niyakap ako. Niyakap ko rin siya ng mahigpit.

"Sleep na. Wala ng multo, okay?" 

--- 

Diego's POV 

Tumalikod na rin ako at tumakbo. Hinigit ko yung kamay ni..... Ewan ko. Baka si Ate Coleen to o Erika o si Kiray. Tumakbo kami ng tumakbo. 

Putakte! Hindi ko naman alam na ganun yung makikita ko! 

Nag-stop kami at hingal na hingal. 

"WOOOOHHH!!! SHT!!!!" Sigaw ko. Nandito na pala kami sa gita ng field.

Naramdaman kong humihikbi ko yung kasama ko. Tumingin ako sa kanya at literal na nanlaki ang mata. 

"JULIA??!?!" Sabi ko. Pero di siya sumagot. Ah takte! Umiiyak nga pala to! 

"Huy maarteng babae." Sabi ko sabay sundot sa tagiliran niya. Hindi pa rin siya sumagot. 

"HAYYYY!!!!" Hinigit ko siya papalapit sakin at niyakap. Putcha naman eh. Napasabak tuloy ako sa yakapan. 

Ikaw Pa Rin (Published under Pop-Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon