Ikaw pa rin - 34.3

135K 1.7K 193
                                    

 

Erika's POV 

"Tara, laro tayo." Tumingala ako sa kanya. Isang batang lalaki na katulad ko at nakangiti siya sakin. 

"My mom said that don't talk to strangers." I said. Pinunasan ko yung luha ko at inirapan siya. Hmp. 

"Ang bata bata pa lang, mataray na." Bulong niya pero narinig ko. -_- Di ko na lang siya pinansin. Kinuha ko yung cellphone ko sa pocket ko. Where is kuya ba? "Wow, may celpon ka na agad?" 

"Whatever." Inirapan ko ulit siya. 

---

"Wait... Where are you going?" I asked him. Naglalaro pa kami eh. *pout*

"Uuwi na..." 

"Pero...." Yumuko ako. ".....naglalaro pa tayo eh."

Ngumiti siya sakin at pinat ako sa ulo ko. Ginagawa niya akong bata eh. *pout* Pero bata pa rin naman ako eh. "Babalik naman ako bukas eh." 

Tumingala ako sa kanya. "Talaga?" 

"Oo naman. Mamaya, pupunta naman sila dito eh. May kalaro ka na ulit." Sabi niya. Oo nga naman...

Nihug niya ko pagtapos. Sana maglaro kami ulit bukas.

---

"Wait! Wait!" Habol ko sa kanya habang papalayo siya sakin. Lumingon siya sakin. Pe-pero... hindi ko maaninag ang mukha niya. "We're going to play pa diba?" Sigaw ko. 

Ngumiti siya sakin pero isang ngiting hindi umabot sa mata niya. "Gusto ko sana, pero.... hindi na pwede."

"Why? Ayaw mo na ba akong kalaro?" I pouted. He's so unfair! 

"Aalis na ako. Sa malayong malayong lugar na kami titira." Sigaw niya. Napa-stop tuloy ako. "Paalam." 

Hahabulin ko sana siya ulit ng biglang may humawak sa sa dalawang braso ko. Isa sa mga alalay ng Daddy ko. WAIT! What's going on?!?! 

"Noooooooo!!!! Wait---Wait for me!!!!" Tinapakan ko sa paa yung alalay ng Daddy ko. Hmp! Pilit ako kumakawala sa pagkakahawak niya sakin. Pero, anong laban ko? Bata lang ako. *pout* 

Tumingin ako sa direksyon kung saan siya papunta... Palayo na siya ng palayo. No! We'll play pa! Siya lang ang gusto kong kalaro. 

"Wait!!!! Wag mo akong iwan!!!!!" Sigaw ko at umiyak na. Kinagat ko yung kamay nung alalay ni Daddy. Nakawala naman ako. Tumakbo ako ng mabilis. 

Nakita ko siyang pasakay na sa car nila. "Hintayin mo ko!" Nagstop ako. Hinihingal na ako. Nilagay ko yung dalawa kong kamay sa tuhod ko.

Nag-stop siya nung narinig niya ako. Pero hindi niya ako nilingon. Sumakay na siya ng tuluyan sa car nila at nag simula na itong umandar. NO! THIS IS NOT HAPPENING. Ginawa ko yung sinabi ng mom ko. I closed my eyes and told myself that this is only just a dream. 

Minulat ko ulit yung mata ko. Nakita ko yung kotse nila na palayo sakin. "WAG MO KONG IWAN!!!!!!!!" 

Umiyak ako ng umiyak. Iniwan na rin niya ako.  

"Ssshh... Tahan na." Nagising akong yakap yakap ni Chris. "Tahan na, baby." He's patting my head. I don't know pero niyakap ko siya pabalik. 

"Ch-chris.." Hinigpitan niya lalo yung yakap niya sakin. Umiyak lang ako ng umiyak sa balikat niya. Panaginip lang pala ang lahat. Pero sino yung batang lalaki? Wala naman akong naging kalaro noon na lalaki eh..

"Hmmmm, Mmmm

Sleepless nights, never ending fights

And close your eyes and you kept thinking twice

It’s alright still right here with you

Know I’ll never let you down"

I heard him humming. Alam kong, gusto gusto niya na akong tumahan. Pero hindi ko mapigilan yung mga luha ko. Natatakot ako. Takot akong maiwanan. 

"So hush hush hush dear

Coz everything is gonna be fine now

Oh ohhh"

I hugged him tight. Ang swerte ko kasi lagi siyang nandyan para sakin. Hindi ko na ata alam ang gagawin ko pag nawala to sa tabi ko. 

"When you’re down, I’ll cheer you up

When you’re crying, I’ll make it stop
When you want to forget your regrets
I’ll try to fix you.
When you’re cold, I’ll hold you tight
Whisper softly that it’s alright
When you want to forget your regrets
You can count on me to fix you
Fix you, fix you
Count on me to fix you"

Naramdaman kong unti unti niya akong hiniga. Humiga din siya sa tabi ko. Hindi pa rin niya ako binibitawan. 

Kanta lang siya ng kanta habang pina-pat niya yung ulo ko. "Everything's gonna be alright. Trust me, baby." Bulong niya sakin.  Mas humigpit yung yakap niya sakin.

Unti unti ng bumabagsak yung mga mata ko....  

Tumatakbo siya papalapit sakin. Pero hindi ko makita yung mukha niya.

"Riri! Sorry." Huh? Ano daw? 

Sinong Riri? Wala naman akong kilalang Riri eh! 

___________________________________________________

Reactions? :)) 

VOTE. COMMENT. SPREAD THE LOVE :) 

Ikaw Pa Rin (Published under Pop-Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon