Ikaw pa rin - 26.

186K 2.3K 103
                                    


Hello! Ito dapat ang Chapter 34 pero hindi na. Inedit ko na yung ibang chapter. Nilagyan ko ng mga part 2, part 3 kaya naging hanggang chapter 25 na lang(yung latest chapter na chapter 33). Nagegets niyo ba ko? :) Sorry, kailangan kong iedit. PERO. Wala akong dinilete o dinagdag. Ganun pa rin yung flow ng story. =)) Sana maintindihan niyo ko. 

P.S: Read between the lines.

ENJOY~ 

=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=

Diego's POV 

Oy! Kamusta na? Namiss niyo ba ko? ^__^ Ngayon lang ulit ako binigyan ng POV eh. xD Osha. Back to the story na tayo mga bregs.

"Tsk." Sabi ni Chris sabay iling. Ano kaya problema ni Mokong? xD 

"Problema mo tol?" 

"Di pa rin pumapasok si Erika eh." 

"Oo nga. Ano naman?" 

"Putcha. Wala!" 

"HAHAHA! Miss mo na?" 

"Ewan ko sayo. Kasi naman, bakit ba laging kasama nun si Quen? Last week, lagi silang magkasama =___=" I smell something jelly. XD

"Wahahaha! Wow, first time! Biruin mo, nagseselos ka din pala?! Bwahahaha!" 

"Ewan ko sayo!" Umalis na siya sa harap nung computer KO. Nasa bahay kami eh, bahay KO. 

Ako naman ang humarap dun sa computer. Makapag-dota na nga lang.

"Tol, ano to?!" 

"Ano yan?" Sagot ko habang di siya tinitignan. XD

"Baliw. Bakit meron kang drawing ng isang babae dito? Isang...bata na nasa swing? Pero bakit puro black?" (SEE PICTURE at the right side) Taena. Pakielamero talaga to. -___-+ Oo, marunong ako magdrawing no. Kahit naman ugok ako, may alam ako.

"Putcha! Wag mo ngang pakielaman yan!" 

"Hahaha! Seryoso, sino to 'tol?" 

*sigh*

"Ewan ko din. Napapaniginipan ko yang babae na yan eh. Naglalaro daw kami tapos umupo siya sa swing. Pagkatapos nun? Bigla na lang akong magigising. Ewan ko. Di ko alam kung sino siya sa buhay ko." Totoo yun. Tss. Pero, wala naman akong maalala nung bata ako na may kalaro akong babae? Ha.. Ewan. 

"Tss! Lalim nun Diegs ah! Hahaha!" 

"Leche, umalis ka na nga!" 

Pagka-alis ni Chris, tinignan ko ulit yung drawing ko. Kaya kulay black lahat, kasi hindi ko maaninag yung mukha niya. Pag malapit ko ng makita, bigla akong magigising. Peste oh! *sigh*  Pero... wala naman akong maalala nung bata ako na may kalaro akong babae eh. Ay, ewan! =___=

-----

Christian's POV 


Ikaw Pa Rin (Published under Pop-Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon