Ikaw pa rin - 36.

148K 2.1K 148
                                    

Follow their twitter account! :)

@imjcdelavega         @santiagoerikaaa

@iamdiegsloyzaga   @SofiaAndresIPR  

@montessjuliaaa      @PrinceDeGuzmaan   

@NCBryanFigueroa

Sorry kung may mga typo. ^_^ ENJOY! :) 

=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=

Christian's POV 

Nagalala talaga ako kay Erika nung nawala siya. Di ko alam kung san siya hahanapin. Aish. Ayoko ng mangyari ulit yun. 

Hawak kamay kaming naglakad papuntang parking lot. Nakatingin lang ako sa kanya habang naglalakad. Baka mawala nanaman siya sa paningin ko eh. 

"San mo gusto pumunta?" Sabi ko habang binubuksan yung pinto ng passenger's seat. 

"Uhmm.... Hindi ko alam." Sabi ni Erika habang papasok ng kotse.

Tinitigan ko lang siya.

"Gutom na ko..." Sabi niya habang nakayuko.

I smiled and pinched her cheeks. "Sige, kakain tayo." Tumingala siya at nginitian din ako. 

Sinarado ko na yung pinto at pumunta na sa driver's seat. 

Dinala ko siya sa isang elite mall. 12 pa naman sarado netong mall kaya okay lang. Pagkapasok namin ng mall, agad kaming pinagtinginan. At mas lalo pa silang nagtaka kasi magka-holding hands kami ni Erika. Aba, paki ba nila.

Tinanggal na rin namin yung hoodie namin. Hindi na naman na namin kailangan mag-disguise eh. 

"Uhmm... Hi ate. Hi kuya.." Ngayon ko lang napansin na may batang babae sa harap namin. Siguro grade 5 or grade 6 lang to.

"Hello." Sabi ni Erika sabay ngiti. Sht. Ang ganda niya talaga. Ngumiti lang ako dun sa babae at tumango. 

"Uhmm... Pwede po bang magpapicture? Ah---fan po kasi ako ng ChrisKa eh!" Sabi nung bata habang nag-giggle.

"Aw, you're so cute! Sure, come here." Sabi ni Erika sabay hila dun sa bata at pinisil niya ang cheeks neto. Napa-iling na lang ako. Ang hilig niya talaga mang-ganun. 

Pumwesto na kami sa camera, nasa gitna namin yung bata. At, ngayon ko lang napansin na may kasamang yaya pala tong batang to. 

"1.....2....." Inakbayan ko si Erika at hinawakan rin sa balikat yung bata. Mukang nagulat pa si Erika dahil inakbayan ko siya pero agad din siyang ngumiti.  "3.... say cheese!" 

"Yaaaay! Thank you po!" Sabi nung bata sabay yakap saming dalawa ni Erika. 

Pinat ko yung ulo niya at ngumiti. "Sige, salamat din. Pakabait ka ha?" 

Ngumiti yung bata at tumango. Nagba-bye na rin si Erika sa kanya. 

Pagkaalis nung bata, hinawakan ko agad yung kamay ni Erika. "Tara na? Alam kong gutom na gutom ka na eh. Hahaha."  

Ikaw Pa Rin (Published under Pop-Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon