Ikaw pa rin - 34.2

157K 2.2K 230
                                    

Christian's POV

Pinatawag ako ng isa sa mga coordinator dito sa school namin. Tsk. Ayaw ko man iwan si Erika, pero kailangan.

Tumayo na ako. "Dito ka lang ha?" Sabi ko sa kanya. Naka-lean siya sa desk niya. Okay lang ba siya? "Aalis na ko. Hintayin mo ko, okay? Sabay tayo uwi." She nodded.

Tinignan ko siya. Anong problema niya? Maya maya, nagulat ako kasi hinawakan niya yung kamay ko.

"Chris.... wag ka na umalis." Sabi niya habang nakatingin sakin.

"Bakit?" Sabi ko at umupo ulit ako sa tabi niya.

"Eh.... please." Nagpout pa siya. Takte!

"Erika, kailangan. Ayaw ko man umalis, pero kasi... Sorry." Sabi ko. Kiniss ko siya sa noo. Halata namang nagulat siya sa ginawa ko, ako rin eh. "Babalik ako agad."

She smiled and said, "Okay."

Tumayo na ulit ako. Ginulo ko yung buhok niya. "Bye."

Bago ako umalis, sinabihan ko si Kuya Bryan na bantayan si Erika. Wala kasi akong tiwala pag si Diego ang magbantay.

Dumiretso na ako sa Guidance Office. Tss. Kainis naman.

--

Pabalik na ako ng classroom ngayon. Tsk! Uutusan lang pala ako! Nakakainis! Sinabi ko pa kay Erika na babalik ako kaagad, pero hindi. Dalawang oras na ang nakakalipas.

Pagkabukas ko ng pinto, nakita kong busy sila sa kani-kanilang gadget. Pano, walang teacher. Tumingin ako sa direksyon kung nasan si Erika. Bakit siya nakatayo? San naman siya pupunta?

Naglakad ako papunta sa kanya. Nakakailang hakbang pa lang ako ng nakita ko siyang babagsak. Fvck! Tumakbo ako agad papunta sa kanya.

"Erika! Sht!"

Mabuti na lang nasalo ko siya, kundi... Tsk!

Iniupo ko muna siya sa upuan. Lumuhod ako sa harap niya.

"Erika, wake up." Tinapik tapik ko yung pisngi niya. Pero ayaw niya magising. Takte!

"Bes! Chris, anong nangyari?" - Julia

"Hala.. Dahil ata sa sobrang pagod yan." - Kiray

"Uy pare, sorry di namin siya napansin." - Diego

"Anong nangyari kay Erika? Ako na magdadala sa kanya sa clinic." Sabi ni Rafael habang hinahawakan yung kamay ni Erika. Tinignan ko siya ng masama. Namumuro na to eh!

"Pare, hayaan mo na si Chris." - EJ

"Oo nga, Raf." - Ate Coleen

Tumingin ako sa direksyon ni kuya Bryan. "Kuya, pakikuha yung gamit namin. Dadalhin ko siya sa clinic. Ikaw na din bahala sa mga teachers kung sakaling hanapin kami."

"Sige, Chris. Ako na bahala dito. Ingatan mo siya ha." Sabi ni Kuya Bry. Tumango ako. Binuhat ko na si Erika ng pang-bridal style.

"Diegs, pakisabi kay Mr. De Guzman yung nangyari. Salamat." Sabi ko kay Diego.

"Chris, wala si Mr. De Guzman. Pumunta sila ng Canada and kasama niya si tita Min..." Singit ni Julia sa usapan.

"Ganun ba? Sige, salamat. Kayo na bahala dito. Tatawagan ko na lang kayo mamaya."

Ikaw Pa Rin (Published under Pop-Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon