CHAPTER ELEVEN

8.5K 253 5
                                    

CHAPTER 11

“BREY!” She didn’t wait for him to acknowledge her. “May dalawang sasakyan dito, itim na SUV, pinagitnaan kami. Hindi ko makita ang plate number pero I think holdaper sila!” She was talking in high-speed.

“Nasaan kayo?” Halatang nagulat ang lalake sa kabilang linya. “Tell me your exact location.”

“Nandito pa sa may Global. Nasa 8th street daw sabi ng driver. Binangga ang likod namin.” Pinatakbo ng driver nila ang sasakyan pero nakaharang ang nasa harap kaya huminto uli yun.

“Ma’am…” takot na takot ang driver nila. Nasa late-40s na iyun. “Sumisenyas ho sila. Tumigil daw tayo.”

“Sino yan?” Si Ava, nakatingin sa unahan. “Huwag kang hihinto!” utos nito sa driver.

Kinabig ng driver ang manibela ng sasakyan para iwasan ang SUV sa harap pero nakasunod din sa kanila ang isa pang sasakyan sa likod at ginitgit sila.

“Shit!” Nakita ni Madie na sumenyas din ang nasa pangalawang sasakyan- pinahihinto sila. Kung bakit naman wala silang nakasalubong na ibang sasakyan!

“Madie, anong nangyayari diyan? Saan kayo banda?” narinig niyang sigaw ni Brey sa cellphone.

“Nandito pa rin… ginigitgit kami. Please, tulungan mo kami! Feeling ko hindi holdaper ang mga ito kundi kidnapper!” Kinilabutan ang dalaga sa huling naisip.

“Huwag kang magpapanic. Sabihin mo sa kasama mo diyan na tumawag sa 117 at ibigay ang exact location niyo, huwag mong ibaba ang telepono para alam ko kung ano ang nangyayari diyan. In case of the worse scenario, itago mo sa katawan mo ang cellphone hangga’t kaya mo. I’m using the landline now to inform the authorities.”

“H-hindi mo ba kami matutulungan?” Muli silang binangga ng SUV. “Ava, i-dial mo ang 117 bilis!”

“I’m doing my best to get the necessary back-up,” narinig niyang wika ni Brey. “Mas teritoryo kasi yan ng PNP. But I will find you. Kahit anong mangyari.”

“Oh my God! Nagpaputok sila!” Nagpa-ekis-ekis ang sasakyan nila hanggang sa mapahinto. Nakita niyang umiiyak si Ava habang nagsasalita sa cellphone.

Mabilis na itinago ni Madie ang cellphone sa loob ng bra niya. Mabuti nalang at isa iyung Nokia 6500 Classic kaya manipis lang at maliit. Hindi masyadong halata, lalo pa at may suot din siyang sweat jacket na may hood. Naisip ng dalaga na kahit papano, maririnig ni Brey ang nangyayari sa kanila.

It was just like in the movies. May bumaba sa SUV na nasa unahan, may hawak na mga baril. Pilit na pinabuksan sa driver nila ang sasakyan. Nang tumanggi ang driver ay binasag nila ang bintana ng kotse saka pinukpok ng baril sa ulo ang pobreng driver. Kinaladkad silang dalawa ni Ava palabas ng sasakyan. Nagwala si Ava kaya sinikmuraan ito. Madie knew better than to fight back- she remained calm para hindi malaglag ang cellphone sa loob ng bra niya. But she prayed really hard. Yun lang ang tanging armas niya ng mga oras na iyun.

The Cavaliers: BREYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon